Forever and a day

387 27 18
                                    




Dale's POV:

Hindi muna agad ako lumipat sa bahay ng lolo at lola ko, unti unti namin itong hinahanda hanggang sa matapos ang isang buwan kong upa sa Airbnb ko.

Ngayong araw kami titingin ng mga ilang bagay pang kulang sa bahay. Ang aga aga dumating ng sundo ko. Habang pinapanood ko siyang bumaba ng sasakyan niya, hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

Fan girl 1: "OMG si Donny E yan diba? Omg anong ginagawa niya dito may unit ba siya dito?"

Fan girl 2: "Shit, baka naman may sinusundo-"

Paakyat na si Donny ng tawagin ng dalawang babaeng fan ang atensyon niya, hinayaan ko naman silang makapag palitrato kay Donny. Pagkatapos niyang paunlakan ang mga ito ng litrato, bumaling na ito sa kinatatayuan ko at ngumiti, ng nakakamatay niyang ngiti. Nakakatunaw.

Donny: "Hi baby!"

Napatingin ang dalawang babae sa akin, nahalata kong nagbulungan ang mga ito. Pagkatapos ay lumapit na saakin si Donny.

Donny: "Ready?"

Iniabot nito ang braso niya saakin, at agad naman akong humawak dito bago kami lumakad. Nakita ko parin na naguusap ang dalawang babae. May kung anong saya sa puso ko, dahil sa dinami dami ng babae sa mundo, ako ang nakahawak sakanya ngayon, ako ang sinusundo niya, ang niyayakap niya, at alam kong ako lang ang mahal niya.

Donny: "You look so happy today."

Dale: " Parati naman akong masaya pag magkasama tayo."

Donny: " That's the goal, I am also happy love, everytime that you're with me, kahit pag hindi, isipin lang kita masaya na ako, hindi na pagod."

Sobrang saya ko na sa dinami rami ng babae sa mundo, ako ang napili niya.

Mga 2 oras din kaming namili ng mga gamit para sa bahay. Inabot na kami ng gutom, kaya napag pasyahan namin na maghanap na muna ng kakainan. Nang mapadaan kami sa isang parte ng mall na maraming tao, hindi naiwasang makilala siya ng mga ito. Nag umpisang magtakbuhan papunta sakanya yung mga tao at nabigla nalang kami nung parang napakarami ng dumumog sakanya, nabitiwan niya yung kamay ko, naitulak din ako nung ibang tao kaya nadulas ako at bumagsak. Agad naman niyang sinubukang makalapit muli sakin at itinayo niya ako sa pagkakatumba. At bago pa ako maka react, hinila niya na ako patakbo, parang sa pelikula ko lang to nakikita, yung mga tao hinahabol siya talaga. Nung makarating kami sa parking, hindi siya nagsayang ng kahit isang segundo.

Dale: "Sandali parang wala na sila."

Donny: "It would be best to get in the car and leave. I'll have have someone deliver the stuff in the house."

Kahit na nagmamaneho na siya, kitang kita ko parin sakanya yung pagkabahala.

Dale: "Okay ka lang ba"

Donny: "Some fans are out of control, you were already hurt and they didn't care."

Dale: "Hindi naman Malala, okay naman ako-"

Donny: "That doesn't justify it. We can't go to big public places like that anymore. I can't risk you getting hurt. I don't want to traumatize you in spending time with me."

Dale: "Love, Huwag ka mag alala, hindi yun mangyayari. Naiintindihan ko naman. Wala e, nagmahal ako ng isang sikat na artista-"

Donny: "It's not funny baby, I was worried."

Dale: "I park mo yung sasakyan diyan sa gilid."

Donny: "Bakit?"

Dale: "Basta i park mo."

How To Love A Superstar?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon