Wrong hands

347 23 14
                                    




Dale's POV:

Nag-celebrate kami ng mismong birthday ni Donny sa Hongkong. Matagal kong pinangarap maka punta sa Disney Land kaya dun niya piniling magpunta. 3 days lang kami doon dahil meron siyang mga commitments na hindi niya na pwedeng I move. Nung makabalik kami, halos isang linggong straight na hindi kami nagkita sa dami ng tapings at shows na commitments niya. Pero parati niya naman akong inuupdate tuwing nagkakaron siya ng maiksing oras. Masaya ako sa estado ng relasyon namin ngayon. Walang pangamba. Kahit hindi kami magkita, alam kong mahal niya ako at alam niyang mahal ko rin siya.

Lisa: "Anak, naglinis ako kanina, itong mga papeles nitong bahay nandun lang sa ilalim ng sofa table, importante to anak, mabuti pa itago mo."

Dale: "Ay oo nga pala, salamat nay-"

Biglang dumating si Reese at Trina, may usapan kasi kaming manood ng sine ngayon.

Reese: "Hi tita!"

Trina: "Hi po-"

Lisa: "Oh, aalis ba kayo ngayon?"

Dale: "Opo nay, lalabas lang po kami sandali."

Lisa: "Gusto ninyo bang kumain muna? Nagluluto ako ng tanghalian e-"

Dale: " Kung sabagay makakatipid tayo, sine at kape lang, dito na kaya tayo mag lunch?"

Reese: "Oo, kasi 2pm pa naman yung movie."

Dale: "Sige nay aakyat na muna kami sa taas. Itatago ko narin po ito."

Dumeretso si Reese sa kama ko at si Trina naman ay sa harap ng salamin.

Trina: "Buti pa dito malamig, sa baba ang init."

Binuksan ko ang envelope na hawak ko.

Reese: "Ano yan?"

Dale: "Yung titulo nitong bahay, sa totoo lang hindi ko pa to nasilip simula nung binigay sakin to ni Donny. Sa sobrang excited ko, itinabi ko lang siya tapos never ko ng naiisipan tignan.

Reese: "Exciting yan, to see your name as the owner of your own property. Sarap! Sana all-"

Trina: "Ikaw na mag bestfriend ng bilyonaryo at mag jowa ng superstar!"

Dale: "Mag bestfriend ng bilyonaryo? Ano naman kinalaman ni Eric dito?"

Napatingin rin si Reese kay Trina, pati siya ay naguluhan sa ibig nitong sabihin.

Reese: "Anong connect ni Eric? Miss na miss lang kaya kahit san kino-connect?"

Trina: "Well, nakita mo na ba yung name ng previous owner?"

Reese: "Shit, hindi nga?"

Tumayo ito sa pagkakahiga sa kama ko at tinulungan akong tignan ang titulo ng bahay at lupa.

Reese: "Omg, Ericson Montreal- binili ni Donny kay Eric to? Teka, diba iba yung nakakuha nitong bahay niyo?"

Dale: "Oo- Hindi ko maintindihan-"

Trina: "Okay sige explain ko na, nakakahiya naman na ako lang nakakaalam ng totoo. Well nung huling araw na nagkita kami ni Eric, nagkape kami sa bahay niya, sobrang emote yung lolo mo nung nabasa yung sulat mo. Tapos ayun, sabi niya we should give Donny a chance kasi mukhang mahal ka naman daw talaga nito, kasi nga binili niya tong bahay na to for you. Tapos syempre tinanong ko paano niya nalaman, tas yun biglang nag sink in sakin. Binili niya na pala talaga tong bahay para ibigay sayo, I forgot when, pero hindi siya nagkaron ng chance na maibigay sayo, ang sabi niya pa nga, baka kaya never niyang naibigay sayo, because Donny was meant to find it, maybe Donny was meant to give it to you instead. Na sobrang hurt niya kasi nagkatotoong siya nga ang tulay mo in finding your true love. Fairygod mother nga kung baga."

How To Love A Superstar?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon