Tine's Pov
"Wagggg!!!" huling sigaw na narinig ko mula kay Sarawat at...
Dumilim na ang paligid.
Nagising ako na akbay-akbay ako ni Sarawat sa kanyang braso at inaalalayan akong mag lakad, magsasalita na sana ako ng maramdaman ko ang matinding pananakit ng aking ulo.
"Argh!" yun lang ang lumabas sa aking bibig habang naka akbay parin ako sa kanya.
"Oy sorry, teka lang. Malapit na tayo, konting tiis nalang." narinig kong sabi nya.
Ano ba kasing nangyari at naka akbay ako sa kanya? Tsaka, bakit ang sakit ng ulo ko?
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad, at may pinasukan kaming Condo Unit ata. Unit nya siguro to.
Pinaupo nya ako sa kama ng dahan dahan, inaalalayan nya pa yung ulo ko. Tumingin ako sa kanya at napansin kong dumudugo yung labi nya.
"Oy, anyare sa bibig mo?" tanong ko sabay turo sa bibig nya.
"Wag mo na akong alalahanin, alalahanin mo muna yung sarili mo. Dyan ka lang at kukuha ako ng first aid kit." Mahabang litanya nya.
"Ano ba kasing nangyari at ang sakit ng ulo ko?" naguguluhang tanong ko.
"Mamaya ko na ipapaliwanag, harap ka sakin" malambot na sbi nya.
Sinunod ko naman yung sinabi nya at humarap ako sa kanya, pag harap ko ay nakita ko kaagad ang nag aalala nyang mga mata. May naramdaman akong kakaiba kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.
Hawak nya ngayon ang isang cotton ball na may betadine ata, at inilapit nya yun sa masakit na parte ng ulo ko.
"Aray!" pabulong na sigaw ko ng dumampi sa akin ang cotton ball.
Agad syang nag panic,
"Ay, sorry sorry. Wag ka mag-alala. I'll be gentle this time" sabi nya at hininaan ang pag dampi ng cotton ball, at ng dahil sa sinabi nyang yung ay tumayo yung mga balahibo ko.
May nararamdaman parin akong hapdi ngunit tinitiis ko nalang kasi baka mag panic sya.
Nang natapos nya ng gamutin yung sugat sa ulo ko ay itinapon nya yung cotton ball. Ng bumalik sya sa pagkakaupo sa kama ay agad ko syang hinila palapit sa'kin.
Medyo nabigla sya, pero isina-walang bahala ko nalang ito at ako naman ang gumamot sa labi nyang pumutok.
Ointment lang yung nilagay ko sa labi nya, hininaan ko lang din ang pagdampi ko ng cotton buds dito para di sya masaktan.
Nang matapos ko na itong gamutin ay tinapon ko na din yung cotton buds na may ointment, at tumayo lang ako sa harapan nya.
"Paki explain nga kung bakit nag ka sugat yung ulo ko at bakit may putok yang labi mo" malamig na tugon ko.
Yumuko sya, na para bang nahihiya sa mga susunod nyang sasabihin.
"Inatake ako ng mga boyfriend ng mga humahanga sa'kin"
"Ano?! Ba't ka naman nila aatakehin? Ano bang ginawa mo sa kanila?" nag-aalalang tanong ko.
"Idol na idol kasi ako ng mga Girlfriends nila, eh yung iba nga hiniwalayan ng dahil sa'kin. Nakakatanggap na din ako ng death threats galing sa mga boyfriend nila, eh binabalewala ko lang" mahabang paliwanag nya.
"Di ko naman inaasahang totohanin talaga nila, na damay ka pa tuloy" dagdag nya pa.
"Bakit ano bang ginawa nila sa ulo ko?" tanong ko.
"Hinampas ka nila ng baseball bat, kaya nawalan ka kaagad ng malay, agad kong sinuntok yung humampas sa'yo kaya nasuntok din ako pabalik." Pagpapaliwanag nya.
"Natalo mo sila lahat?" nag aalalang tanong ko parin.
"Oo... dahil sinaktan ka nila" halos pabulong nyang sinabi yung huling linya pero narinig ko parin.
"Ano?" tanong ko sa kanya, kunware hindi ko narinig.
:)

BINABASA MO ANG
Stare (2gether The Series Fanfic) [Tagalog] {Completed}
FanfictionThe guitar is for you to play and Sarawat is for you to love. -Sarawat