Epilogue

428 25 23
                                    

Tine's Pov

"Tine, gising na. Andito na tayo" rinig kong sabi ni Fong pag-kagising ko.

I looked around the area and I realized na nakatulog pala ako sa sasakyan while we're on our way to the event.

So panaginip lang pala lahat ng 'yun? Shit, I thought that that was real.

"Anong oras na?" tanong ko sa kanila.

"5 PM pa, may isang oras pa bago mag-simula yung event." sagot naman ni Ohm sa'kin.

Tumango nalang ako at bumaba na kami sa sasakyan.

The University is still the same, wala siyang pinagbago. It felt nostalgic.

Nagpaalam ako sa tatlo, I told them na maglilibot muna ako sa University at babalik lang ako pag nagsimula na yung event.

I went to the place where many memories were made, and also the place where he first called me 'Expe'.

Umupo ako sa isa sa mga benches, nag babakasakaling matupad yung panaginip ko kanina. Tumama ang malamig na hangin sa aking katawan at agad akong nag-sisi kung bakit di ko dinala yung jacket ko.

"Giniginaw ka?" I heard a voice spoke.

And after seven years of waiting, finally... I heard that voice again. I'm sure it's him, because his voice immediately sent butterflies to my stomach.

Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses, at mas lalong lumakas yung pintig ng dibdib ko ng makita ko sya ulit.

"You're back..." I said then I smiled at him.

He immediately removed his jacket and placed it around my shoulders,

"Wag na, nakakahiya." Tatanggalin ko na sana ito ng bigla niya itong binalik.

"Sige na, keep it. Baka magkasakit ka pa" sabi niya kaya sinuot ko nalang ito.

"Kailan ka umuwi?" Tanong ko agad sa kanya.

"Hmm, last week? Tinapos ko lang muna lahat ng mga kailangan kong papeles, para maayos na lahat pagka-uwi ko dito." Paliwanag niya naman.

"Anong mga papeles yung mga inaasikaso mo?" Tanong ko ulit, oo na andami ko ng tananong.

"Papers for resignation, selling my house, and buying a lot here in the Philippines. Coz I'm gonna stay here, I'm back for good" sabi niya kaya nabigla ako.

Teka, ganto yung nangyari sa panaginip ko kanina ah? Hala baka nananaginip na naman ako:<.

"Wat, sampalin mo nga ako." utos ko sa kanya.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" tanong niya naman, at kitang kita sa mukha niya yung pagkalito.

"Basta sampalin mo'ko" sabi ko at agad niyang ini-angat yung kamay niya kaya agad kong ipinikit yung mata ko. Akala ko isang malakas na sampal yung aabutin ko sa kanya, pero he just pinched my cheecks instead.

"Sorry, di ko kayang sampalin ka" sabi niya sa'kin sabay tawa.

Shet, so di nga talaga panaginip to. Totoo na to gais!!!!

"Tsk ewan ko sa'yo, lumayo ka nga nag-tatampo ako sa'yo." sabi ko tapos nag-kibit balikat ako.

"Bakit ano ba ginawa ko? Sa pagkakaalam ko nasa Thailand lang ako this past 7 years, and namumuhay lang naman ako ng payapa dun. So bakit ka nagtatampo sa'kin?" tanong niya, his voice has a teasing tone.

"That's the point Wat, ba't di mo sinabi sa'kin na pupunta ka ng Thailand? Ba't di ka man lang nag text? You even blocked me on your social media account." I said, di ko namalayang malapit na pala akong umiyak.

Stare (2gether The Series Fanfic) [Tagalog] {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon