Chapter 4- Sarawat

509 26 0
                                    

Tine's Pov

Umiwas ako ng tingin sa kanya ng pinagtinginan na ako ng mga tao, nagtataka rin ako kung bakit sya nakatingin sa'kin.

Or baka hindi ako yung tinititigan nya at sadyang assuming lang talaga ako. Hayssst.

Nagulat ako ng biglang hawakan ni Pear yung braso ko,

"Pucha Tine! Nakita mo yun? Tinitigan ka ni Sarawattt!" masayang sabi ni Pear.

"Ha? Sarawat? Sino yan?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Mayghad Tine, di mo kilala si Sarawat? Sya lang naman yung gwapong gitaristang nakatingin sa'yo kanina" nasagot ang ilang tanong sa isipan ko.

Hmm, Sarawat pala yung pangalan nya. Medyo na tawa ako pero pinigil ko lang.

Matapos ang ilang oras ay natapos na rin ang concert na pinuntahan namin ni Pear, halata sa mukha nya ang tuwa. Mukhang na pasaya ko nga sya.

"Tine? Pwede humingi ng isang favor nalang talaga?" pagmamakaawa ni Pear.

"Hmm, sge Pear ano yun?" syempre di ako makakatanggi sa kanya, malakas sya sa'kin eh HAHAHA.

"Pwede mo bang puntahan si Sarawat? Tsaka pwede ka bang mag pa sign sa kanya?" sabi ni Pear na nagpabagal ng aking sistema.

Ewan ko kung bakit pero may masayang pakiramdam akong nararamdaman sa loob, ewan ko ba, di ko pa nga nakaka-usap tong Sarawat na'to eh pero bakit parang Excited ako?

Haysstt, gawin ko na nga lang tong pinapagawa ni Pear sa'kin. Baka magalit to pag di ko gawin.

May binigay sya sa'king papel, at may marker din syang pinadala.

"Okay lang na bukas mo na yan ibigay sa'kin kasi alam kong pagod ka na rin. So pano ba, ahm Goodnight nalang siguro, at tsaka Thank You so much sa pag sama mo sa'kin sa concert nato" mahabang litanya nya at niyakap nya ko.

Nakangiti akong yumakap pabalik. Ang saya ko! Kaso may isa pa pala akong gagawin, magpapapirma pa'ko dito sa Sarawat na to.

Umalis na si Pear at paalis na din ako ng may mapansin akong pamilyar na mukha.

"Si Sarawat!" pabulong na sigaw ko sa srili ko ng makita ko sya.

Nag liligpit pa sya ng gitara nya, at mukhang sya nalang mag-isa at iniwan na sya ng mga ka banda nya.

Nag-aalinlangan pa akong lumapit sa kanya ngunit sa bandand huli, lumapit pa rin ako.

"Ahm, hi!" nahihiyang tugon ko habang nakahawak yung kamay ko sa ulo ko.

Ngunit hindi nya ako nilingon, patuloy lang syang nagliligpit ng gitara nya. Kaya nag lakas loob na talaga ako.

"Ahm Helloooooo?!" lakas loob na sigaw ko dahil mukhang kaming dalawa nalang yung natitira dito sa University.

Nagulat ako ng binagsak nya yung lalagyanan ng gitara nya at humarap sa'kin.

"Pwede ba, tumahimik ka muna? Nakita mo naman sigurong may ginagawa ako diba?!" sigaw nya sa'kin.

Nabigla ako sa pag sigaw nya, kaya tumahimik nalang ulit ako. Medyo nagalit ako sa kanya, kaya aalis na dapat ako nang biglang...

"Waggg!!!"

:)                                                                                                                                                                                                   


Stare (2gether The Series Fanfic) [Tagalog] {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon