Chapter 13- To The Rescue

348 21 0
                                    

Tine's Pov

Matapos ang ilang oras na pagbabasa ay pumunta nako sa dalawang klase ko. At tama nga ako, nag pasurprise quiz na naman yung prof.

Worth it yung pagbabasa ko, halos na perfect ko yung quiz.

"Ang galing talaga ng utak mo noh? May camera ba yan? Ang dami mong nasagot kanina ah?" Tanong ni Phuak nung naka labas na kami ng room.

"Diba nga sabi ko sa inyo nung unang araw palang, magbasa lang tayo ng mag basa. Malaking tulong yung pagbabasa, kaya wag kayong maging tamad." Sabi ko sa kanila.

Nagpaalam na silang tatlo sa'kin kasi may pupuntahan pa daw sila sa mall, may bibilhin daw sila.

Hindi na ako sumama, gusto kong umuwi agad. Pagod ako.

Maghahanap na sana ako ng taxi ng biglang...

"Tiiineeeeeeee!" Isang pamilyar na boses ang sumalubong sa'kin.

Green.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya, he's riding his motorcycle.

"Nandito ako para sunduin ka" sabi nya sa'kin sabay abot ng helmet.

"Wag na, magtataxi nalang ako." Sabi ko sabay hanap ng taxi.

"Tiiineeee, sge naaaaa ituro-" hindi natuloy ni Green yung sinasabi nya sa'kin ng biglang...

"Di mo ba narinig yung sinabi nya?" Sabi ng lalaking tinatawag akong expe.

"Sarawat? Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Green sa kanya.

"Nandito ako para sunduin si Tine" sabi ni Sarawat na nagpalito sa'kin.

"Bakit mo naman susunduin si Tine? Kaano-ano mo ba sya?" Tanong ni Green sa kanya.

Nagulat ako nung lumapit sya sa'kin at agad nyang kinuha yung kamay ko, at agad nyang hinawakan ito.

"Boyfriend ko to, akin sya" sabi nya na biglang nagpabilis ng pagtibok ng aking puso.

"Kaya umalis kana, kung ayaw mong malintikan sa'kin" sabi ni Sarawat.

Halata namang natakot si Green sa kanya kasi agad itong umalis.

"O, wala na sya. Halika na" sabi nya.

Hindi nya parin binibitawan kamay ko.

"Teka lang, ba't mo sinabing boyfriend kita ha? Eh pano kung maging issue na naman yun? Pano kung saktan na naman ako ng mga fans mo?" Sabi ko sa kanya.

"Wag kang mag alala, hindi ka nila masasaktan basta nasa tabi mo'ko" sabi nya.

"Anong ibig mong sabihin? Eh pano kung hindi na kita kasama, edi masasaktan nila ako" nag aalalang tanong ko, baka kasi maging issue na naman yung sinabi nyang hindi naman totoo.

"Kaya nga dapat nasa tabi mo'ko palage" sabi nya sabay kindat sa'kin.

:)

@StudentAndrea

Stare (2gether The Series Fanfic) [Tagalog] {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon