Chapter 27- Invitation

313 19 4
                                    

7 years later
Tine's Pov

Ang tagal na, napakatagal na. Me and my friends already graduated, we already have our degree. Yung tatlo, nag rereview pa for board exams.

Ako kasi yung unang nakapasa sa'ming apat, nag review kasi agad ako pagkatapos kong grumaduate. Yung tatlo kasi nagpahinga muna, ayaw daw kasi muna nila ng mga exam exam na naman HAHAHHA.

Ang tagal na mula nung huli ko syang makita, yun yung nagkasakitan kaming dalawa. Ang tagal na non pero nag-sisisi parin ako sa mga ginawa ko sa kanya.

Gusto kong sumunod sa Thailand kaso gusto ko munang tapusin yung pag-aaral ko. Nawalan na din kami ng contact sa isa't-isa kasi dinelete niya na daw yung instagram account niya sabi ni Man.

Gusto gusto ko na siya makita ulit, nakakamiss yung mga ngiti niya.

Nabalik ako sa realidad ng may biglang kumatok sa pintuan ng opisina ko,

"Pasok! Nakabukas yung pinto!" Sigaw ko para marinig nung kumakatok.

"Atty. Teepakorn, may nagpadala po sa inyo nito" sabi ng assistant ko sabay abot sa'kin ng isang invitation.

"Kanino daw galing?" Tanong ko sa kanya.

"Nako pasensya na po Atty. pero di ko po alam kug kanino galing, check niyo nalang po sa loob baka may nakalagay po kung sino yung nagpadala." Sabi niya naman at tumango nalang ako.

Lumabas na siya ng opisina ko at binuksan ko na ang invitation.

"BATCH 2020's First Reunion"

Yan yung unang bumungad sa'kin pagka-bukas ko ng invitation.

Agad nag-ring yung phone ko at sinagot ko naman ito agad dahil si Fong naman ito.

'Oy pre, kumusta?'

Bungad ko agad sa kanya.

'Atty! Ayos lang ako! Ikaw kumusta ka na? Baka tumanda ka agad dahil sa stress sa dami ng hinahandle mong kaso ah? HAHAHAHA'

Sagot niya sa'kin at natawa naman ako

'Alam mo? Tangina mo, kung nag take ka lang sana agad ng exam edi may katulong sana ako ngayon dito'

Sagot ko naman sa kanya at narinig kong tumawa sya sa kabilang linya

'Bakit ka pala tumawag? Ano na namang kailangan mo?'

Sagot ko at huminto sya sa pagtawa

'Natanggap mo ba yung invitation na pinadala ko?'

Tanong niya

'Ahh so ikaw pala nagpadala nito, HAHAHHAHA'

'O ba't ka tumatawa? Totoo naman ah, ako nagpadala niyan'

Sabi niya, feeling ko malungkot sya kasi tumawa ako HAHAHAA

'Wala, di ko lang maimagine na ganito ka pala kacreative pagdating sa mga designs HAHAHA'

'Alam mo puta ka, pasalamat ka nga naalala kita. Nagtaka ako kung bakit may isang invitation pang natira, di ko pa pala napadala sa'yo'

'Hala muntikan pa'kong kinalimutan ni gago. Pero ano... may itatanong lang sana ako'

'Ano yun?'

'Pinadalhan mo ba siya?'

Tanong ko sa kanya.

'Tine, sa hinaba-haba ng panahon... siya pa rin ba?'

Tanong niya at di naman ako nagdalawang isip na sumagot

'Fong, it's still him and it will always be him'

:)

@StudentAndrea

Stare (2gether The Series Fanfic) [Tagalog] {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon