Kabanata V
#WWTPOSSurpriseBONNIE
Napalingon na lang ako kay Carlton na biglang sumulpot mula sa aking likuran.
"Paanong..." napakunot ang noo nito, tila ba wala ring ideya ang aking katabi sa nangyayari.
"I told them."
Napalingon kami kay Sir Erick na nasa likuran namin.
Ngumiti ito, "Tara po, pasok po kayo sa loob."
Pumasok naman ang dalawang babae at sinundan naman namin sila.
Pagpasok ng dalawa sa loob ay napahinto ang lahat sa kanilang ginagawa. Luminya ang mga ito at nagmano sa dalawang babae. Marahil iyon ang nanay ni Carlton?
Sa totoo lang hindi ko pa nakikita ang parents ng EIGHT since hindi rin naman sila kilala sa publiko. Maliban na lang syempre sa parents ni Herbert dahil noong high school kami ay nasa bahay nila ako minsan.
Nakimano na rin ako sa parents ni Carlton bilang pagrespeto narin sa kanila.
"Bakit po kayo nandito? Mi? Di ba po busy kayo sa work?"
"Ano ka ba?" sagot ng babaeng naka-uniform habang ipinapatong sa lamesa ng kusina ang dala nitong eco bag, "Hindi ko pwedeng palagpasin ang araw na ito, hindi na nga tayo nagkikita, diba? At saka nagluto ang mama mo ng paborito mo."
"Woah... Talaga?" excited nitong sinilip ang kung ano mang laman ng eco bag.
Isang malaking Tupperware ang laman niyon. Pagkabukas ng mama nito ay nagliwanag ang mukha ni Carlrton at nagningning ang kanyang mga mata. Isa iyong pansit malabon.
"Kaso, bakit naman ngayon? Ma?" sabay harap ni Carlton sa babaeng nakasalamin, "May natitira pang 5 days sa dyeta ko, eh"
"Walang diet-diet, kumain kayo," saad naman ng mama niya.
Naglabas ng plato sila Reynard pati ako ay nakitulong narin. Isa na namang kainan ang aming hinarap. Pati ang dalawa ay napakain.
"Di naman masama ang cheat day diba?" komento ni Gus at saka isinubo ang nasa tinidor nito.
Punong-puno ng sahog ang pansit malabon na gawa ng mama ni Carlton. May pusit, hipon, chitcharon, at nilagang itlog. Hindi ko maitatangging masarap magluto ang mama niya.
Makaraan ang ilang oras ay pare-pareho na kaming halos mabundat sa kabusugan. Sina Ma'am Louise at mami ni Carlton ang nag-ligpit ng pinagkainan at nagpunas sa lamesa. Tinulungan ko naman ang mama nito sa pag-uurong.
"Bago ka lang ba dito? Iha? Ngayon ko lang kasi nakita ang mukha mo, eh," tanong niya habang binabanlawan na ang mga pinggan.
"Opo, ako po si Bonnie ang bagong stylist nila, may higit isang linggo na rin po akong katrabaho nila," tugon ko habang pinupunasan naman ng dry towel ang mga plato.
"Kamusta naman si Carlton? Hindi naman ba nagpapasaway?"
Medyo natigilan ako sa tanong niya pero sinubukan kong sumagot agad.
"Hindi naman po..."
Tinignan niya ako at saka tumawa ng mahina, "Parang hindi naman ako kumbinsido."
"Hindi po, totoo po ang sinabi ko, mabait naman po si Carlton... Kaya naman po nyang umastang kuya sa mga kagrupo niya..."
O makakaya naman niyang umastang kuya? Waaah! Hindi ko alam!
BINABASA MO ANG
Walking with the Path of Stars (COMPLETED)
RomanceBonnie is a diligent and kind person, she prefer to work independently than to work with others. Sa gantong paraan niya lang kasi nararamdaman na hindi siya pabigat sa mga taong nasa paligid niya. Not until, she became the stylist of a famous boygro...