KABANATA 2 (Part 2 Of 2)

129 8 3
                                    

Kabanata II
#WWTPOSMama

BONNIE

Umakyat kami sa second floor ng aking kasama at naglakad-lakad doon. May mga kwarto kaming nilampasan at ng tumapat kami sa isang pintuan sa dulong bahagi nitong palapag ay saka ito binuksan ng aking kasama.

Agad kong isinabit sa nakita kong clothing rack, ang mga dala ko pagkapasok sa loob.

"Bonnie my dear, dito na ako at dyan ka na mahiga sa tabi ng bintana," saad ng aking kasama habang inaayos ang kanyang mga gamit

"Okay po," saka ko ibinaba ang dala kong backpack.

Nagsasalita si Ma'am Louise habang abala kami sa pag-aayos ng aming mga gamit. Ayon sa kanya, madalas magamit itong dorm kapag gantong kailangang bumyahe ng malayo ang staff kinabukasan. May tatlo itong palapag, sa first floor ang lobby sa second floor ang mga kwarto ng mga babae at sa third floor ang kwarto ng mga lalaki. Bawat silid ay may dalawang kama at isang banyo.

Marami pa siyang sinabi ngunit hindi ko na ito marinig. Napatingin ako sa bintana at mula rito ay tapat na tapat sa pwesto namin ang nakatirik na dorm ng EIGHT. Bukas pa rin ang mga ilaw nito lalo na sa unang palapag.

Parang ang sarap ng buhay ng mga idol. Napakaperpekto ng buhay nila at para bang wala na silang maihihiling pa dito sa mundo.

"Bonnie my dear, okay ka lang?"

Napatingin ako sa aking kasama dahilan upang matauhan ako.

"Kanina ka pa tulala ryan, kanina rin sa work. May problema ka ba?" dugtong niya.

I shook my head and force a smile on my face, "Wala po, medyo masama lang po ang pakiramdam ko," palusot ko.

"Ganun ba? Maglinis kana ng katawan sa banyo, pagkatapos non matulog ka ng maaga at kailangan mong magpanginga para makapagtrabaho ka ng maayos bukas."

Sinunod ko ang sinabi ni Ma'am Louise. After I did my business in the bathroom, I immediately lay myself on the bed and shut my eyes.

--

Tulog na tulog ang aking kasama ng magising ako sa kalagitnaan ng gabi. Nagpapihit-pihit ako sa aking kama makabalik lang sa pagtulog pero halos isang oras ko na itong ginagawa at hanggang ngayon ay gising pa ako.

Bumangon na ako mula sa aking pagkakahiga. Pasado alas-onse na nang i-check ko sa aking phone ang oras. Itinali ko ang maalon kong buhok na hanggang balikat. Lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig marahil ay nauuhaw lang ako kaya ayaw akong patulugin ng utak ko.

Bumaba ako papuntang ground floor. Kung tama ang pagkakaalala ko ay may nahagip akong water dispenser dito kanina sa dining area.

Nakahanap ako ng baso gamit ang flashlight ng cellphone ko. Agad ko itong itinapat sa water dispenser hanggang sa mapuno ito ng tubig.

Uminom ako roon at mayamaya pa ay may kung anong nakakasilaw sa labas kaya napatingin ako sa bintana. Galing ang ilaw sa dorm ng EIGHT. Ibinaba ko ang aking baso sa lamesa. Lumapit ako sa bintana upang silipin ng husto kung anong meron.

Nakita ko na lang na nasa labas ng gate si Gus at may lumalabas na kotse mula roon. Napakunot ako ng aking noo. Anong gagawin nila? Ang lalim na ng gabi, wah.

Hindi na ako nagdalawang isip. Binuksan ko ang pinto at kahit nakasuot ako ngayon ng oversized shirt at panjama ay lumabas ako. Wala akong pake kung anong itsura ko ngayon ang mahalaga ay maabutan ko sila.

Nakita kong isinara na ni Gus ang gate at aakma na itong bubuksan ang pinto sa may passenger seat dahilan para tumakbo ako papalapit sa kanila.

"Teka! Sandali!" itinaas ko pa ang aking mga kamay na para bang makikipagpatintero ako sa harapan nila.

Walking with the Path of Stars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon