KABANATA 7 (Part 1 Of 2)

64 4 6
                                    

Kabanata VII

#WWTPOSIcedCoffee

BONNIE

Mas maaga ako ng isang oras ng lumabas ako ng bahay. Kagabi kasi ay tinawagan ako ni Sir Erick at pinapapasok nga niya ako 7 am sa dorm ng EIGHT. Wala pa akong ideya sa nangyayari dahil hindi pa sa akin sinasabi nito ang buong detalye.

Sakay ng taxi papasok ng subdivision ay bumaba na ako sa harap ng dorm nila. Pagkabayad ko sa driver ay siya namang salubong sa akin ng isang kotse na lumabas mula sa gate nito.

Hindi iyon ang kaparehong kotse na nakita ko noon. Kulay pula ito kung ikukumpara sa itim na sasakyan na minaneho noon ni Carlton. Mabagal itong huminto sa tapat ko at saka pa lang bumaba ang bintana nito.

"Pumasok kana sa loob," saad ni Anwyll.

Hawak niya ang manubela ng kotse at nakatigin lang ito sa harap.

Napakunot ako ng noo, "Ha?"

Tumingin siya sa akin, "'Di ba pinapasok ka ng maaga ni Sir Erick?"

Tumango-tango naman ako.

Muli niyang ibinaling ang paningin sa kanyang harapan, "Kung ganon, pumasok kana sa loob ng kotse at baka ma-late pa tayo."

Nang marinig ko ang terminong late para bang awtomatik ang katawan ko at agad akong pumasok sa loob ng kotse kahit hindi ko naman alam kung bakit kaming dalawa lang ni Anwyll ang nasa loob ng sasakyan. Pagkaupo ko sa passenger seat sa tabi niya ay nagsimula nang mag-drive ang kasama ko.

"Ano bang meron? Saan tayo pupunta?"

"You'll know when we get there."

Bakit ganon silang magkakaibigan? Hindi man lang nila ino-orient ang kasama nila sa kotse bago pumunta sa kung saan-saan? Gayon din si Sir Erick, hayyy... magmanager nga talaga sila...

Pagkalabas namin ng subdivision ay humarurot na sa pagtakbo ng kotse si Anwyll. Shocks! Akala ko mabilis nang mag-drive si Sir Erick, iyon pala may mas bibilis pa sa kanya! Kinabahan tuloy ako at bumilis ang kabog ng dibdib ko kaya napahawak ako sa seatbelt ko.

Matapos ang ilang oras sa byahe ay narating din namin ang aming destinasyon. Bigla namang nagpreno si Anwyll sa harap ng gate kaya halos mapunta na ako sa salamin ng kotse kung walang seatbelt!

Dinahan-dahan nito ang pagda-drive ng pumasok kami sa loob ng isang university at saka ipi-nark sa parking space ang kanyang kotse.

"Umayos kana, narito na tayo," banggit niya.

Binitbit niya ang isang malaking shoulder bag na nakapatong sa backseat at saka lumabas ng sasakyan.

Inayos ko naman ang aking sarili, hinagod ko ang bangs ko at ang buhok ko na nagulo mula sa impact kanina. Mayamaya pa ay lumabas na rin ako mula roon.

"Mr. Anwyll." Rinig kong sambit ng isang babae.

Payat na payat ito, nakapusod ang buhok sa likod at nakasalamin. May nakasabit na headphones na may mic sa batok nito.

"Hinihintay na po kayo ni direk, this way po."

Humarap sa akin si Anwyll, "Simple lang ang gagawin mo ngayong araw. Tutulungan mo ako sa mga gagawin ko at susundin mo ang lahat ng ipag-uutos ko, maliwanag ba 'yon?"

Tumango-tango naman ako.

Iniabot sa akin nito ang bitbit na shoulder bag, kinuha ko naman ito at binuhat.

Wah... ano bang laman nito? Bato?

Ngumiti siya na parang isang batang nakakita ng laruan, "Let's go then," aniya at saka ako tinalikuran at naglakad.

Walking with the Path of Stars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon