Kabanata XVII
#WWTPOSDespair
BONNIE
"Bonnie, nasan si Anwyll?" tanong ni Reynard sa akin nang makarating sila ng hospital.
Mula sa bintana ng pintuan ay lumingon naman ako sa direksyon nila Anwyll kung nasaan sila ng mama niya. Napatingin sila Reynard at napahinto ang mga ito nang makita ang sitwasyon nilang mag-ina.
"Let's give them some time..." saad ni Carlton at saka inakbayan si Reynard pabalik kung saan sila nanggaling.
Napakaswerte ni Anwyll at mayroon siyang mga kaibigan na nariyan para rin sa kanya.
Nagsimula na rin akong maglakad sa hallway, palabas ng hospital. Mas nakakabuti kung umalis na rin ako sa lugar na ito at makauwi na. Nag-text ako kay Anwyll na mauuna na.
I'm so happy for him, mukhang nagkaroon na siya ng resolve tungkol sa mama niya. Masaya rin ako para sa mama ni Alex, hindi ko akalain na iyong anak pala na tinutukoy niya noon ay si Anwyll
Napangiti na lang ako. Hindi ko akalain na masasaksihan ko ang lahat ng ito bago ako mag-resign. Napaisip tuloy ako kung ano na lang kaya nag mami-miss ko kapag hindi na ako ang stylist nila?
"Bonnie!"
Narito na ako sa may waiting area malapit sa ospital nang marinig kong may tumawag ng pangalan ko. Napatingin ako kay Anwyll na tumatakbo mula sa left side ko papalapit sa akin. Nanlaki naman ang mata ko ng makita kong nakababa ang face mask niya!
"Anwyll?" lumapit din naman ako sa kanya, "Anong ginagawa mo dito?"
Huminto ito saglit at napahawak pa sa magkabilang tuhod niya nang habulin niya ang kanyang hinga. Tumingin siya sa akin at tila ba naging estatwa ako sa aking kinatatayuan nang yakapin niya ako.
"Anwyll..."
Naririnig ko pa ang bawat paghinga niya siguro ay dahil narin sa pagtakbo niya mula sa loob ng ospital papunta sa kinaroroonan ko. Ilang minuto pa ay kumalas din siya. Natulala naman ako sa kanya.
"Hmmm... I just want to hug you before you go," sabay kamot nito sa batok niya.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ang daya... ako lang ba ang laging kinilig sa aming dalawa? Napatingin ako sa paligid it's pass 11, kaya wala namang gaanong tao.
Lumapit ako sa kanya, "Anwyll, ano 'yon?" sabay turo ko sa kanya sa may right side namin.
Nauto ko naman siya at humarap siya roon, I smack his right cheek with a kiss. Napatingin naman siya sa akin na nagulat sa ginawa ko.
"Alam mo Anwyll, kahit madilim dapat lagi mong sinusuot ang mask mo..." sabay taas ko sa mask niya.
I planted a kiss on it, saka ko siya tinalikuran at naglakad papunta sa hintayan ng sasakyan.
Shocks! Ako ba talaga ang gumawa non? Di bale, naka-isa din ako, pero bakit parang ako pa ang kilig na kilig? Waah!
"Bonnie," hinawakan niya ang braso ko dahilan para mapalingon ako sa kanya, "May nakalimutan ka..."
Hindi naman ako makapag-react dahil kinabahan ako.
"Eto," hinawakan niya ang mask niya, ibinaba niya ito at hinalikan ang pisngi ko.
Napatingin lang ako sa kanya.
"At eto pa..." dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin hanggang sa maamoy ko na ang hininga niya.
BINABASA MO ANG
Walking with the Path of Stars (COMPLETED)
RomanceBonnie is a diligent and kind person, she prefer to work independently than to work with others. Sa gantong paraan niya lang kasi nararamdaman na hindi siya pabigat sa mga taong nasa paligid niya. Not until, she became the stylist of a famous boygro...