KABANATA 14 (Part 2 Of 2)

24 2 0
                                    

W/N:
Hello! Please suportahan nyo po ako hanggang sa matapos ko po itong novel. Thank you po agad!

Kabanata XVI

#WWTPOSHateMyself

BONNIE

"I have good news!"

Napatingin kaming lahat kay Sir Erick ng bigla itong magsalita. Narito kami sa isang maliit na studio sa loob ng company. Inayusan nila ito, nilagyan ng pitong magagarang upuan at pahabang lamesa sa gitna. May nakahaing mga pagkain doon na tila ba pang- fine dining ang estilo. Elegante ang disensyo ng backdrop na white and black.

Nagpe-prepare kami ngayon para sa another episode sa Youtube channel ng EIGHT. Celebration episode ito, at dito rin ia-announce ng EIGHT ang official date at mga lugar na pagdadausan ng kanilang nationwide concert tour.

"Top 2 ang latest song nyo sa Billboard!" bulalas ni Sir Erick.

Nanlaki naman ang mata ko. Wahh! Totoo ba?! Inilabas ko ang phone ko at nagpunta sa website nila, at doon nga ay nakita ko ang ranking ng EIGHT. Pangalawa sila sa listahan! At iyon ang kantang kinunan namin noon sa Benguet!

Shocks! Napatakip na lang ako ng bibig pinipigilan ko ang sarili ko na huwag sumigaw.

Gayon din naman ang mga kasamahan ko, tila hindi ito makapaniwala.

"That's to be expected from you guys," nakangiting usal ni Ma'am Louise.

"Alam na ba ito ng EIGHTYS?" tanong ni Gavin habang nag-i-scroll sa screen nito.

"For sure, nauuna pa sa atin ang mga iyon, eh." Hindi maitago ni Herbert ang ngiti sa kanyang mga labi.

Totoo naman ang sinabi niya dahil trending ngayon sa twitter ang #NewEIGHTchivementUnlocked #CongratulationsEIGHT at kanya-kanya na ang EIGHTYS sa pagpo-post ng kanilang congratulatory messages sa feed.

Hindi ko naman maiwasan ang mahawa sa mga kasamahan ko at mapangiti. Pihadong tuloy-tuloy na ito kapag nagkataon. Ang saya ko, bago ako mag-resign nasaksihan ko pa ang mga bagay na ito.

Nagkatinginan kami ni Anwyll na hindi naman kalayuan ang distanya sa akin. Nakangiti din siya pero nang magtagpo ang aming mga paningin ay naglaho ang mga iyon at saka ito umiwas ng tingin sa akin.

Ano ka ba Bonnie? Sa gantong paraan mas mapapadali para sa iyo ang pag-alis mo.

Matapos ang shoot nila ay dumiretso ako sa office namin ni Ma'am Louise. Isang oras pa ang nalalabi bago mag-lunch. Na-i-print ko na kaninang umaga ang resignation letter ko, inilagay ko ito sa loob ng isang foder at ngayon ay naglalakad na ako papunta sa office ni Sir Erick.

Tumingin ako sa malaking salamin sa daan kung saan ay tanaw mo ang kalapit na kalsada at mga building mula dito sa company. Mami-miss ko ang hallway na ito, ang tanawin na lagi kong nakikita sa tuwing dumadaan ako dito, gayun din ang mga staff na nakakabatian ko sa daan. Maging si manong guard na masungit na naroon sa gate.

Sa paglalakad-lakad ko ay nasalubong ko pa si Herbert kasama sila Sergei at Reynard. Nagkabunguan pa kami kaya nabitawan ko ang hawak ko.

"Oh, Bonnie," bati sa akin ni Herbert at saka ibinigay sa akin ang folder na hawak ko kanina.

Okay, bakit nga ba ang hilig lumipad ng utak ko sa daan?

"Bonnie, nahulog mo," saad ni Sergei at saka iniabot sa akin ang resignation letter ko.

Nanlaki naman ang mata ko nang kuhain ko ito sa kanya, pero pinilit ko ang ngumiti.

Sana hindi nabasa ni Sergei ang nakalagay sa sulat.

Walking with the Path of Stars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon