Here's my inspiration (I think) while writing this story:
Hyun Bin as Erick Manuel
Road Manager of EIGHTHa Ji Won as Louise Manuel
Hair and Make-up stylist of EIGHTDon't you think they are a good couple?
Disclaimer: I do not own the photo, credits to the rightful owner.
***
Kabanata III
#WWTPOSNostalgiaBONNIE
Nilalabanan ko pa ang antok ng tila natahimik ang mga kasama ko at tanging ang umaandar na makina lang ng van ang naggsisilbing ingay sa paligid. Nakasandal ako sa isang malambot na bagay, nang tuluyan kong imulat ang aking mga mata ay tulog na tulog pala ang mga kasama ko.
Maliban na lang kay Gavin na dilat na dilat ang mga mata.
Shocks! "S-Sorry, Sorry!" bulalas ko.
Siya pala itong nararamdaman kong malambot kanina pa!
Napatingin na lang ako sa labas ng bintana sa likod ni Gavin. At natatanaw ko na ang luntian at alon-alon na Cordillera mountains. Chineck ko ang phone ko it's 6:30 in the morning.
"Boys, gising na malapit na tayo," usal ni Sir Erick.
Naunang nagising sila Reynard at Gus kaya sinimulan na nilang kalabitin ang kanilang kasamahan. Mayamaya pa ay pumasok ang aming kotse sa parking lot na nasa loob isang hotel.
Pagka-park ng sasakyan namin, ay siya namang pagsusuot ng cap at face mask ng aking mga kasama. At saka sila isa-isang lumabas.
Hinintay ko munang makababa ang lahat, at nong ako na ang lalabas ng sasakyan ay nagkasabay pa kami ni Anwyll. Nagkatinginan kami, medyo nailang ako kaya siya na ang pinauna ko.
BINABASA MO ANG
Walking with the Path of Stars (COMPLETED)
RomantiekBonnie is a diligent and kind person, she prefer to work independently than to work with others. Sa gantong paraan niya lang kasi nararamdaman na hindi siya pabigat sa mga taong nasa paligid niya. Not until, she became the stylist of a famous boygro...