Kabanata XVII
#WWTPOSForgiveness
BONNIE
"Sige, Anwyll, kita na lang tayo bukas," saka ko tinanggal ang seatbelt ko.
Aakma na sana akong buksan ang pintuan ng hawakan niya ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Pwede bang samahan mo muna ako dito kahit sandali lang?"
Natinag naman ako kaya hindi ko na tinuloy ang binabalak ko. Mukha kasi siyang bata na nakiki-usap sa nanay niya na samahan siya.
"May problema ba? Gusto mo ng kausap?"
Umiling ito, "I just want to spend time with you and see your face before I go, masyado kasi tayong busy sa work kanina."
"Busy nga tayo sa work, marami din kasi akong papeles na inaayos, alam mo na... para hindi mahirapan 'yong susunod na magiging stylist n'yo."
"Hm... Aalis ka nga pala."
Tumingin ako sa kanya nang mapansin na tila nag-iba ang timpla niya, "Alam mo namang... para din sa ikabubuti n'yo ang gagawin ko, diba?"
"Hm. But I was just wondering if we can still be together? 'Yon pa nga lang magkasama na tayo sa work, hindi parin natin magawa ang ginagawa ng mga ordinaryong couple, paano pa kaya kapag lumayo ka na?" Sabay tingin niya sa akin.
Hindi ako handa sa sinabi ni Anwyll kaya naman kinilig ako ng sobra, pero sinubukan kong hindi magpahalata.
"Uhmmm..."
Ano kayang pwede kong gawin para sa kanya?
Alam ko na.
"Akin na 'yong phone mo." Saka ko inilahad ang kamay ko.
Napakunot man siya ng noo ay sinunod din niya ang sinabi ko. Ibinigay niya ito sa akin, at saka ako dumikit sa kanya at kumuha ng maraming litrato.
"O' yan para di mo ko ma-miss." Sabay ngiti ko.
Pinagmasdan naman niya ang mga pictures namin sa phone niya. Sa ngayon ito lang ang nakayanan ko, pero sana magustuhan niya.
"I see... This is a great idea... pero pano naman kapag ako ang na-miss mo?"
"Huh?"
"Akin na rin ang cellphone mo."
Ini-abot ko naman iyong akin. Medyo nabigla ako ng akbayan niya ako kaya naman ng kumuha siya ng litrato ay hindi ako nakatingin sa camera.
"You're cute here... I want to have this one." Sabay ngiti niya.
Naramdaman ko na lang na uminit ang mukha ko. Grabe... feeling ko magkakasakit na ako nito! Bakit ba iba ang feeling kapag si Anwyll ang gumagawa ng move?
Waaah! Maghulos dili ka Bonnieee!
"Hm? Bakit ganto ang pangalan ko sa contacts mo? Mr... Owyll?" Sabay tingin niya sa akin.
"Uhm..."
"Hmm... eto pala ang nickname ko kapag nakatalikod ako sayo?" Sabay balik nito sa screen ng phone ko.
"Uhm... matagal na 'yan..." Nakita ko na lang na-cli-nick ni Anwyll ang rename.
"Wag!" Saka ko hinablot sa kanya ang phone ko.
Tinignan niya ako ng matalim na para bang nakagawa ako ng mortal sin, dahilan para lumubog ako sa aking kinauupuan.
"I-I want to keep this... memorable sa akin ang araw na ginawa ko ang nickname na 'to..."
BINABASA MO ANG
Walking with the Path of Stars (COMPLETED)
RomanceBonnie is a diligent and kind person, she prefer to work independently than to work with others. Sa gantong paraan niya lang kasi nararamdaman na hindi siya pabigat sa mga taong nasa paligid niya. Not until, she became the stylist of a famous boygro...