Kabanata XIII
#WWTPOSCloseToYou
BONNIE
Patapos na kami sa aming ginagawa pero hanggang ngayon ay walang nag-iimikan sa aming dalawa. Kaya ko naman talagang gawin ito ng mag-isa, hindi ko alam kung bakit kailangang kaming dalawa pa talaga ni Anwyll ang magkasama.
Dahil ba ito sa nangyari kagabi? Siguro... talagang hindi siya naging kumportable sa mga salitang binitawan ko... Ano pa nga bang in-expect ko?
Itinaob ko na ang huling plato nang mapansin kong paakyat na si Anwyll sa taas.
"Anwyll..."
Huminto ito at saka tumingin sa direksyon ko.
Napakagat ako ng labi. Wah... Bakit mo siya tinawag, Bonnie? Ano bang sasabihin mo? Wala naman ng dahilan para mag-usap pa kayo ngayong alam na niya ang nararamdaman mo para sa kanya.
Nilagok ko na ang laway na nasa lalamunan ko at saka nagsalita, "Tungkol sa mga nasabi ko kagabi... Pasensya na... wala lang ako sa tamang pag-iisip noon, alam mo na... napunta sa utak 'yong ininom ko," pabiro ko pang saad.
"About last night... I'll pretend I didn't hear any of it..."
"Huh?"
"I can't reciprocate your feelings..." sabay iwas nito ng tingin sa akin, "So, let's forget about what happen last night..." saka ito tuluyang pumanik sa taas.
Natulala naman ako sa kinatatayuan ko. Tila ba tumagos sa puso ko ang mga sinabi ni Anwyll. Alam ko naman, eh. Alam ko. Pero bakit ang sakit-sakit parin?
Siguro dahil hinihiling na naman niya sa akin ang lumimot. Iyon na lang ba talaga ang paraan? Kapag ba lumimot ako, mawawala ba itong sakit na nararamdaman ko ngayon? Because if that's the only thing I can do... How I wish I forget about everything like I didn't meet him in the very first place.
Nagsimula akong maglakad papunta sa pintuan palabas. Lumalabo na ang paningin ko at nagsimula na ring sumikip ang dibdib ko. Nasa labas na ako nang mauntog ako sa dibdib ng taong nasa harap ko ngayon. Nanatili akong nakatungo, ayokong ipakita sa iba ang mukhang meron ako ngayon.
"Bonnie?"
Nang marinig ko ang boses na iyon ay tumingin ako sa mukha niya. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.
"Gus..."
"Anong nangyari?" tinignan niya ako na tila may bahid ng pag-aalala sa kanyang mga mata.
"Ang sakit-sakit," hindi ko na nakontrol ang emosyon ko at nagsimula na akong humagulgol sa harap niya.
Lumapit naman siya sa akin at saka ako niyakap.
"Alam ko naman, eh... simula pa lang..." dugtong ko habang patuloy parin sa pagbuhos ang mga luha ko, "Pero mas masakit pala kapag sa bibig na n'ya mismo nanggaling..."
Noong gabi na iyon ay iniyak ko lahat kay Gus. He didn't say anything nor asked me the person I'm referring to. He was just there, listening, comforting me with the warmth of his embrace.
ANWYLL
Sumobra ba ako kagabi? Tanong ko sa aking sarili habang pinapanood si Bonnie at Gus sa may snacks corner. She doesn't seem to mind, she wears that bright smile since this morning.
But why do I feel this guilt that I did something teribble?
Aish...
It is okay. It is better if I distance myself from her. After all, I must stop myself...
BINABASA MO ANG
Walking with the Path of Stars (COMPLETED)
RomanceBonnie is a diligent and kind person, she prefer to work independently than to work with others. Sa gantong paraan niya lang kasi nararamdaman na hindi siya pabigat sa mga taong nasa paligid niya. Not until, she became the stylist of a famous boygro...