Kabanata XX
#WWTPOSKnotRing
BONNIE
"Aaack! Nakita mo? Tinignan ako ni Anwyll!"
"Hindi ikaw 'yon bhe, ako! Ako 'yon!"
"Hay! Nako! Tama na nga ang pagdedelusyon nyong dalawa! Hindi nyo ba napansin? Iba kulay ng mata ni K?"
"Oo nga noh? Parang first time ko lang nakitang nagsuot ng contact lense si Anwyll. Ano kayang meron?"
Napatakip ako ng bibig at tuluyang nanlabo ang paningin ko. Bakit ba hindi ko na naman maiwasan ang maging emosyonal? Hindi ko alam kung naiyak ba ako sa tuwa dahil muli ko siyang nakita o naluluha na lang ako sa katotohanang ganto kami kalayo sa isa't-isa. Bakit ba kahit gusto ko siyang abutin doon, kahit pagdukwang sa kanya, ang hirap-hirap?
Mayamaya ay halos mahinto ang hiyawan ng kanilang mga fans. Kaya napatingin ako sa paligid at doon ko napansin ang mga taong nakaharap sa screen ng kanilang phone. Napakunot ako ng noo dahil hindi iyon ang karaniwang senaryo sa concert ng EIGHT, dapat ngayon ay nakatutok lang sila sa stage habang cini-cheer ang kani-kanilang mga bias.
"Grabe... Sya ba talaga 'to?"
"Anong meron, bes?"
"Bes, tingnan mo 'yong news article na inilabas ng idol insider ph!"
Rinig kong bulung-bulungan ng mga tao. Inilabas ko ang phone ko at nagtipa sa web nito. Napasinghap ako ng bumungad sa homepage nito ang isang makatawag pansin na artcle.
'Stylist at idol na si K mula sa sikat na grupong EIGHT, kumpirmadong may relasyon!'
Sa pagkakatong ito ay mga larawan naman na kinuha noong dinala namin sa ospital ang mama ni Anwyll ang naka-feature sa website. Nakunan kaming magkaakap at ang ilan may larawan pa noong hinalikan ko siya.
Anwyll...
Napatingin na lang ako sa stage na patuloy parin sila sa pagpe-perform. Mukhang wala pa rin silang ideya sa nangyayari. Hanggang sa umugong ang arena ng 'boo' mula sa ilan sa kanilang mga fans. May mga iba pa na hindi nakasali sa halip ay naiyak na lang. Ang kanina'y taas-taas nilang mga light stick ngayon ay ibinaba nila at halos mawalan na ng liwanag dito sa audience seat.
Anwyll...
Napahinto sa pagpe-perform ang EIGHT ng mapansin na ang nangyayari. Nilapitan na sila ng mga staff at iginayd papapunta sa backstage. Nagsisunuran naman silang lahat. Maslalong umingay sa loob ng arena at may mga mga fans pa na nagsimulang mag-away.
"Pero di ba si ate girl na mismo ang nagsabi nong in-interview sya dati?"
"Syempre ide-deny nila 'yon! Sino sa mga kilalang personalidad dito sa Pilipinas ang umamin na may ka-relasyon sila kapag nahuli sila?!"
"Hindi totoo yan! Edited lang yan!"
"Paano mo naman nasabing edited yan? Eh, kitang-kita naman sa picture! Sira ka ba?!"
Anwyll...
Mayamaya pa ay bumalik ang EIGHT sa entablado. Nanguna sa paglabas si Anwyll sa stage at sinundan naman ito ng kanyang mga kasamahan.
"EIGHTYS..." Saka nag-bow si Anwyll na may hawak ng mikropono, "I'm sorry."
Nanahimik ang mga fans na tila ba hinihintay ng mga ito ang paliwanag ng kanilang idol.
Tumayo siya ng tuwid at humarap ng maayos sa mga tao, "Sorry kung ngayon nyo lang nalaman ang tungkol dito at hindi ko nasabi sa inyo agad ang totoo. But despite what happened... I never regret loving someone, even though we've been together for only a brief period of time," paliwanag nito at saka tuluyang nangilid ang kanyang mga luha.
BINABASA MO ANG
Walking with the Path of Stars (COMPLETED)
RomanceBonnie is a diligent and kind person, she prefer to work independently than to work with others. Sa gantong paraan niya lang kasi nararamdaman na hindi siya pabigat sa mga taong nasa paligid niya. Not until, she became the stylist of a famous boygro...