KABANATA 1 (Part 1 Of 2)

382 14 4
                                    

Kabanata I

#WWTPOSBonnieMeetsEIGHT

BONNIE


Matapos ang trentang minutong paghihintay ko dito sa bus stop, sa wakas ay hinintuan din ako ng pinara ko. Late na ako sa trabaho, kaya naman kahit walang maupuan ay pinili kong tumayo sa gitna kasama ang ilang pasaherong kasabayan ko sa pagsakay dito sa loob. Tumapat ako sa dalawang babaeng nakaupo sa gawing kanan ko, at kumapit sa upuan nila.

"Aaay! Gwapo talaga ni K!" bulalas ng babaeng naka-braid ang buhok habang kilig na kilig sa kanyang kinauupuan.

Napatingin tuloy ako sa cellphone na hawak nito kung saan tutok na tutok ang dalawa.

Iyon ang latest MV ng sikat na PPOP group worldwide. Ang Euphony Innovator & Guardian Haven Troupe or EIGHT for short.

Sa screen nito ay natanaw ko ang isang binata. Sa bawat kilos at galaw nito ay sumusunod sa kanya ang bagsak at clay-brown nitong buhok. Itim at bilugan ang kanyang mga mata, matangos ang ilong at manipis ang mga labi.

Hindi na ako aalma pa sa sinabi ng babaeng ito dahil siya lang naman si Anwyll Damon Martin o maskilala sa stagename na 'K'. He's young, 22 years old, mas matanda ng isang taon kung ikukumpara sa akin. He's a half-filipino and half-scottish. Marami sa mga fans niya ang nagsasabi na siya raw ang face of the group.

"'Wag kang ano! Bias ko 'yan!" asik ng babaeng naka-ponytail na katabi nito, "D'on ka sa bias mong si Kevin!"

Sa screen nito ay sumulpot ang binatang kumindat pa sa camera. He got his jet black hair as always. Bilugan din ang kanyang mga mata, maliit ngunit matangos ang kanyang ilong at mayroong kissable lips.

'Kevin' o Wren Gavin Reyes in real life. Ang bunso ng grupo, 20 years old. Every fans in this world adore him for being cute and sexy.

Kahit ilang beses ko nang napapanood ang MV nila hindi ko mapigilan ang aking sarili na huminto para panoorin din ito, ang ganda din kasi ng production, gayon din ang music na nakaka-LSS. Ilan na kaya ang views nila?

Naningkit pa ang mga mata ko ng subukan kong tignan ng mabuti ang mga numero ng views ng MV sa screen.

88 thousand views agad? Kare-release lang nyan kahapon, wah?

Napatingin sa akin ng masama ang dalawang babae ng hindi ko mapansin ang paglapit ng mukha ko sa screen ng phone nila. Agad naman akong tumayo ng tuwid at umastang para bang walang nangyari.

Nakakahiya 'yon... pero 88 thousand views?! Waaah! Big achievement!

Gusto kong magtatalon at magsisisgaw sa mga oras na ito, pero mas pinili ko na lang na kagatin ang mga labi ko. Agad kong inilabas ang aking phone mula sa dala kong sling bag at hinanap ang twitter app ko. Pagkabukas ko nito ay tumambad sa akin ang samo't-saring pabati na may #Roadto100KViews at #YouDidItAgainEIGHT na top 10 sa mga trending ngayon worldwide!

Nag-add tweet na rin ako at nagsimulang magtipa sa screen ng phone ko.

'Congratulations sa boys ko! #RoadTo100KViews na tayo mga EIGHTYS! #YouDidItAgainEIGHT...' then tweet!

Mayamaya pa ay muli kong ipinasok ang cellphone ko sa aking sling bag nang huminto ang sinasakyan kong bus sa isang mall. Bumaba na ako sa tapat nito. Pumasok ako sa loob at sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin na dulot ng aircon. Naglakad-lakad ako, at matapos ang ilang stall na aking nilikuan at dinaanan ay huminto ako sa tapat ng isang department store.

Ng makita ako ng isang babaeng naka-uniform sa loob ay agad niya akong in-assist. Pinaupo niya ako sa isang sofa at makaraan ang ilang saglit ay inilabas niya ang clothing rack kung saan, ay may nakasabit na mga garment bag.

Walking with the Path of Stars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon