Hello there! I'm just here to reveal my inspiration for my heroine:
Kim So-Hyun as Bonita Macaraeg
Idol Stylist of EIGHTNasa kalahati na tayo ng story yehey!
Follow me on
Facebook: /msrycaa
Twitter: @msrycaa
Instagram: @msrycaaComment. Vote. Share! Thank you so much!
***
Kabanata XI
#WWTPOSPanDeSiopaoXEnsaymada
BONNIE
Nakatanaw ako sa mga bituin sa langit habang nakahiga ako sa aking kama. Hindi pa ako dinadalaw ng antok at tila sa dami ng nangyari ngayong araw ay ayaw akong patulugin ng utak ko.
Nay, maraming salamat po sa inyo... Salamat at binigyan mo ako ng pagkakataong makilala ang tunay kong ina. Hindi man kita madalaw kung nasaan ka man ngayon, alam kong lagi ko kayong kasama at hindi mo po ako pinababayaan. Salamat, salamat sa lahat...
At saka unti-unting bumigat ang mata ko at tuluyan akong makatulog.
Wala pang araw ay narito na kami sa lounge ng airport, and it's three in the morning. Ayon kay Ma'am Louise, four hours daw ang byahe mula Manila papuntang Seoul, Korea, kaya by seven ay naroon na kami.
"Ate Bonnie, gusto mo kumain?" tanong sa akin ni Gavin pagka-entrada pa lang namin sa lounge.
"Bakit? May makakainan na ba dito?"
"Kakain kayo? Sama ako," yaya ni Reynard.
Si Gavin ang nanguna sa amin kaya sinundan namin siya. Naglakad kami sa loob ng lounge, napaka-cozy ng atmosphere sa loob. Para itong malaking sala dahil sa mga sofa na nakaikot sa kanya-kanya nitong maliliit na lamesa.
Hanggang sa makarating kami sa isang corner ng lounge kung saan ay mayroong coffee maker machine at iba't-ibang klase ng snacks, mula sa tinapay, biscuit, chitchirya at kung ano-ano pa. Nagtimpla roon si Reynard ng kape, si Gavin naman ay sinipa't-sipat ang mga snacks na nakahilera doon at naghahanap ng makakain.
"Okay lang ba na basta-basta na lang kumuha dyan?" tanong ko.
"It's fine, this is one of the reasons why we pay for this trip," paliwanag ni Reynard.
Dahan-dahan akong lumapit sa tabi ni Gavin at nakisipat na rin ng makakain.
"First time mo lang bang sumakay ng eroplano, ate?"
Tumango-tango ako. Nakita ko ang isang bun ng tinapay, para iyong isang pan de siopao at nang tangka ko itong kukunin ay nagkapatong pa kami ng kamay ni Anwyll na bigla na lang sumulpot sa kung saan, dahilan para magkatinginan kami.
BINABASA MO ANG
Walking with the Path of Stars (COMPLETED)
RomantikBonnie is a diligent and kind person, she prefer to work independently than to work with others. Sa gantong paraan niya lang kasi nararamdaman na hindi siya pabigat sa mga taong nasa paligid niya. Not until, she became the stylist of a famous boygro...