KABANATA 18 (Part 1 Of 2)

30 2 0
                                    

Kabanata XVIII

#WWTPOSBreakUp

BONNIE

'They said they will not date anyone, and focus on us EIGHTYS! Liar! #KLeaveEIGHT'

'Oyyy... totoo ba talgaaa? Pramis naiiyak na ako dito! Kung alam ko lang edi sana nag-jowa din ako ng isa sa kanilaaa! #KLeaveEIGHT'

'K why did you do this to us? I stan EIGHT because I thought they will not hurt me, pero pare-pareho talaga ang mga lalaki sa mundo! #KLeaveEIGHT'

'Pinagsisihan kong in-stan ko sila! I hate them! They lie to us! #KLeaveEIGHT'

Napatakip na lang ako ng bibig. Hindi ko alam, na magiging ganto kalala ang sitwasyon. Top 1 trending pa worldwide ang #KLeaveEIGHT.

It's because of me...

'Anwyll, bakit kasi hindi na lang ako? I hate you now! I hate the seven of you! I hate EIGHT! #KLeaveEIGHT!'

'Alam nyo hindi naman ang EIGHT ang may problema, si ate girl! Nanggigigil ako napaka-landi! #KLeaveEIGHT'

'Who's that girl? I'm gonna kill her I swear! #KLeaveEIGHT'

'We want #KLeaveEIGHT now!'

"Stop reading that..."

Napatingin ako kay Anwyll nang bigla siyang pumasok sa office habang naghahakot ako ng gamit.

"Don't let their words get into you..."

Umiwas ako ng tingin sa kanya at itinuloy ko ang ginagawa ko. Isa-isa kong inilagay sa isang kahon ang mga gamit ko dito sa office.

Kinuha ni Anwyll ang isang binder na aakma kong kukuhain dapat.

"Bonnie, mag-usap tayo."

Tinignan ko siya and he always have that kind eyes who cares for me. Kumuyom ang kamao ko, anong karapatan ko para kausapin siya? Matapos kong sirain ang lahat...

Hindi ko siya pinansin at hinablot ko ang binder mula sa kanya. Nang maipasok ko ang lahat ng gamit ko ay lumabas na ako ng office. Naglakad ako sa hallway, kung saan ay napapatingin ang mga staff sa akin kapag nakakasalubong ko sila. Wala naman sa akin ang mga titig na iyon, kung ikukumpara sa kasalanang nagawa ko sa kumpanyang ito, kina Ma'am Louise at Sir Erick, sa EIGHT at lalong-lalo na kay Anwyll.

Naramdaman ko na lang mula sa likod ko ay sinusundan ako ni Anwyll. Nagsimulang lumabo ang mga mata ko. Bakit ba hindi na lang niya ako iwanan? Ng dahil sa akin... ng dahil sa akin...

"Aw..."

Sa daan ay nakabunggo pa ako ng isang staff kaya naman tumilapon ang bitbit ko. Agad akong nilapitan ni Anwyll at tinulungan sa pagdadampot ng mga iyon. Habang binabalik ko sa kahon ang mga gamit ko ay nagsimula na rin ang pagpatak ng mga luha ko. Napakagat na lang ako ng labi, bakit ba kung kailan tumanda ako saka pa ako naging iyakin?

Kinuha niya ang dala ko kaya napatingin ako sa kanya, "We need to talk," utos nito.

Sinundan ko naman siya hanggang sa makarating kami ng parking lot kung saan ay walang tao. Ipinatong niya sa bubungan ng kotse niya ang kahon at pagkatapos ay humarap siya sa akin. Tinignan ko lang siya at umakmang lalapit sa kotse niya para kuhain ang mga gamit ko pero hinarang niya ako.

"Bonnie, I'm sorry..." sabay tingin niya sa akin, "Kundi dahil sa'kin hindi ka mapupunta sa gantong sitwasyon. I'll fix this, I promise..."

Hindi naman iyon, eh. Hindi naman ikaw ang may kasalanan...

Umiwas ako ng tingin sa kanya, "Anwyl..." tila hindi ko maituloy ang sasabihin ko, hanggang sa mamuo ang mga luha sa mata ko, "mag-break na tayo..."

Walking with the Path of Stars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon