Kabanata VII
#WWTPOSFootsteps
BONNIE
Nanlaki ang mata ko, dali-dali akong lumapit sa pinto at pinagbuksan ito.
"A-ano bang ginagawa mo?" singhal ko, "Pa-paano kung nagbibihis ako? Alam mo naman sigurong comfort room ito ng babae di—"
Naputol ako sa sinasabi ko ng patungan niya ng towel ang balikat ko.
"Hm. You're right, but you can't change if you don't have a spare clothes," saad niya at saka ako inabutan ng isang paper bag na may tatak ng isang kilalang apparel.
Tinignan ko ito at saka kunot noo akong napatingin sa kanya.
"Hindi ka naman makababalik sa company ng ganyan ang suot mo diba?"
Ibig sabihin, damit talaga ang laman ng paper bag na iyon? Huwag mong sabihing nagsadya pa siya sa isang woman's apparel shop para bumili niyon?
"Ayaw mo ba? Sige, itatapon ko na lang 'to," saka niya ako aakmang talikuran.
"Hindi!" sabay hawak ko sa braso niya, napatingin naman ako sa ginawa ko kaya hinablot ko mula sa kanyang kamay ang dala niya, "Este, ito... akin na 'to..." sabay pilit ko ng ngiti.
"Bilisan mo, babalik tayo sa kumpanya."
"Babalik tayo? Agad-agad? Bakit naman?"
Dahil ba sa kapalpakan ko?
"Tumawag sa'kin si Sir Erick at pinababalik niya ako... biglaan kaya... bilisan mo na!"
Matapos ang ilang sandali ay lumabas din agad ako ng banyo. Nagpaalam na kami sa direktor at sa mga staff at pinauwi sa amin ang script ni Anwyll para makabisado agad niya. Pumasok na kami sa loob ng sasakyan. At habang naroon ay inaayos ko ang gamit niya.
"Anwyll, ilalagay ko itong script sa bag mo, ah?"
"No need, mamaya ko na 'yan kukunin sayo, bago matapos ang working hours."
Ini-start na niya ang engine at humaharurot siyang nagdrive sa highway. Matapos ang ilang sandali sa daan ay narito na kami sa tapat ng company. Agad kaming pumasok sa loob at dumiretso na ako sa office namin ni Ma'am Louise.
Ipinatong ko sa lamesa ko ang script ni Anwyll. Medyo na-curious naman ako sa role niya kaya isa-isa kong inilipat ang mga pahina. Mukhang siya ang kaibigan ng bida, medyo mabigat ang role niya dahil hindi lang pala siya extra kundi nasa supporting role talaga.
Napatingin ako sa oras. Mahaba-haba pa ang pahinga ko, bago mag-start kuhain ang segment mamaya ng EIGHT para sa kanilang youtube channel.
Nasa akin na rin lang naman ang script, bakit kaya hindi ko muna ito asikasuhin? Mula sa drawer ay hinugot ko ang highlighter ko at saka hinay-light ang mga linya ni Anwyll. Ganto ang nakita kong itsura ng mga script ng artista kanina, siguro nga at epektibo ito sa pagkakabisa. Madami-dami din ang scene niya at sa bandang dulo ang mahahabang linya.
Huh?
"Kumusta ang first day sa pagiging PA? Bonnie?" tanong ni Ma'am Louise na ngayon lang din ako napansin dahil sa ginagawa nito kaharap ang laptop niya.
"PA po?" Napatingin ako sa kanya.
Tumango siya at saka tumingin sa akin, "PA. Personal Asssistant."
Tila ba naglo-loading ako dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Ma'am Louise. Alam ko ang depinisyon ng PA, pero anong ibig niyang sabihin sa 'kumusta ang first day ng pagiging PA?'
BINABASA MO ANG
Walking with the Path of Stars (COMPLETED)
RomanceBonnie is a diligent and kind person, she prefer to work independently than to work with others. Sa gantong paraan niya lang kasi nararamdaman na hindi siya pabigat sa mga taong nasa paligid niya. Not until, she became the stylist of a famous boygro...