KABANATA XX
#WWTPOSTrueToMyself
BONNIE
Tinignan ako ni nanay na tila ba binabasa ako nito. Hindi naman ako makaimik. Masaya akong nakita ko sila. Pero, pakiramdam ko ay wala akong karapatang humarap sa kanila matapos ng ginawa ko sa grupo nila. Tama nga ang sinabi ng mga babae kanina, muntik ko ng masira ang career ni Anwyll gayon din ang grupo nila.
Hinawakan ni nanay ng mahigpit ang kamay ko, "Anak, mauna na ako, hintayin na lang kita sa bahay at sabay na tayong maghapunan," at saka niya ako binitawan.
Nang tuluyang makaalis si nanay ay saka nagsalita ang kaharap ko.
"Medyo matao sa lugar na 'to," banggit ni Herbert, hinawakan niya ang kamay ko at saka ako nito hinila.
Tumigil naman ako sa paglalakad dahilan upang mapatingin siya sa akin.
"'Wag kang mag-alala isasauli ka rin namin agad."
Hindi ko makita ng husto ang ekspresyon ng mukha nito sa likod ng kanyang face-mask. Pero dahil naningkit ang mata nito ay marahil nangiti ito.
Ipinasok nila ako sa backseat at saka nag-umpisang magmaneho si Gus. Matapos ang ilang minuto ay nakarating kami sa isang parke kung saan ay madalang ang tao. Gabi na rin kasi at kakaunti lang ang nakabukas na ilaw roon.
"It's been a month, mula ng mag-resign ka sa company, akala ko hindi ka na namin makikita," saad ni Herbert habang kasabay ko itong naglalakad-lakad sa park.
Naiwan sa kotse si Gus kaya kaming dalawa lang ng kasama ko ang magkausap.
"Kumusta kana? Sa restaurant kana pala nagta-trabaho ngayon? Mukhang walang bagay yata ang hindi mo kayang gawin. Alam mo... may bagong stylist na kami, medyo masungit nga lang at kasing edad ni Ma'am Louise, kaya 'yon medyo nai-stress s'ya dahil hindi sila magkaigihang dalawa," sabay tawa nito ng mahina.
Nakababa ang mask nito kaya naman malinaw kong napagmamasdan ang mukha ni Herbert. Iyong mga ngiti niya, isang buwan lang pala ang nakalipas mula ng huli ko itong makita? Akala ko, may taon na.
Napahinto ako ng humarap ito sa akin at saka niya inilapit ang mukha niya, "Oh? Bakit wala kang reaksyon? Hindi mo man lang ba ako na-miss?"
Tinitigan ko lang ang mukha niya, hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin o kung anong tamang sabihin. Bakit ba nag-abala pa silang puntahan ako? Hindi ba nila nakita? Na noong nakasama ko sila, muntik ng manganib ang career nila?
Huminga siya ng malalim at saka tumayo ng tuwid, "Bonnie... malapit na 'yong concert namin, sinadya ka namin dito para ibigay sayo 'to," at saka niya ako inabutan ng isang ticket.
Tinignan ko lang iyon, hindi ko alam kung kukunin ko ba ito o hindi.
"Bonnie, hindi ka naman namin pupuntahan dito kung hindi ka namin gustong makita, di ba? This concert... It might be our last meeting... so please, sana pumunta ka..."
Lumabo ang mata ko at napatungo na lang ako.
"Ba-bakit ba pinag-aaksayahan nyo ng panahon ang isang tulad ko? Hindi ba kayo nadadala sa'kin? Herbert, halos masira ko ang pangalan ng grupo nyo."
"Oh... Muntik mo na nga kaming masira."
Napakagat ako ng aking labi at tuluyan ng tumuo ang mga luha ko.
"Pero, kundi dahil don, baka hindi ko nakilala ng lubusan ang mga kaibigan ko... at kundi rin dahil don hindi ako magigising sa katotohanang hanggang magkaibigan lang talaga tayo."
BINABASA MO ANG
Walking with the Path of Stars (COMPLETED)
RomansBonnie is a diligent and kind person, she prefer to work independently than to work with others. Sa gantong paraan niya lang kasi nararamdaman na hindi siya pabigat sa mga taong nasa paligid niya. Not until, she became the stylist of a famous boygro...