Kabanata X
#WWTPOSPasscode
BONNIE
Nasa daan ako papuntang Cavite. Wala naman na akong nakalatag na gagawin ngayong weekend kaya naman kinuha ko na itong opportunity para ma-meet si Ophelia. Habang nasa bus ako ay nakikinig ako ng music. Ito ang bagong kanta ni Herbert at kahapon lang ito na-release.
Napaka-light ng beat ng kanta. Pero kung papakinggan mo ang mga lyrics nito, mayroon itong mabigat na kahulugan. Para bang may kurot sa puso ang bawat liriko ng kanta. Akala ko sa sayaw lang magaling si Herbert akalain mong nagko-compose na rin siya ngayon?
Hanggang sa makarating ako sa aking destinasyon ay iyon lang ang pinakikinggan ko. Huminto ako sa isang restaurant. Sabi ng private investigator na kausap ko ay ito ang business ni Ophelia at madalas din siyang narito para tumulong sa mga tauhan niya.
Napalagok pa ako ng laway bago ko tuluyang buksan ang pintuan ng entrance at pumasok sa loob. Pagpasok ko pa lang roon ay sinalubong na ako ng isang babaeng naka-uniform. Nakangiti ito at may hawak na menu ng restaurant.
"Good day Ma'am! Table for one?"
Tumango na lang ako at saka ako iginayd nito sa isang maliit na table na may dalawang upuan.
Pinaupo ako nito at saka iniabot sa akin ang menu. Siguro kakain muna ako at hindi pa naman ako nanananghalian buhat ng lumuwas ako ng Manila. Tinignan ko ang menu nila, at halos malula ako sa presyo ng mga nakasulat sa ibaba. Inilibot ko roon ang aking mga mata at naghanap ng pasok lang sa budget ko.
Pagka-order ko ng makakain ay lumibot ang paningin ko sa loob ng restaurant. Classic ang style ng resto. May mga nakasabit na pictures sa wall na kung hindi black and white ay madilaw ang mga litrato. May mga naggagandahang chandelier ang nakasabit sa kisame at napaka-calm lang ng vibe dito sa loob. Humahalimuyak din ang amoy ng letchon manok na best seller ng restaurant.
Ilang saglit pa ay dumating na ang order ko at sinimulan ko na ang pagkain. Binilisan ko lang para magawa ko na kung ano talaga ang pakay ko sa pagpunta ko rito.
"Uhm, excuse me, Miss?" saad ko sabay taas ko ng kamay.
Nilapitan naman ako kaagad ng babae, "Yes? Ma'am?"
"Uhmm... Pwede ko bang makausap si Ma'am Ophelia Santos? Este si Ma'am Ophelia Blanco?"
"Ma'am Ophelia Blanco? Manager po namin Ma'am? May problema po ba sa pagkain?"
Umiling-iling ako, "Okay naman ang food, gusto ko lang makausap ang Ma'am n'yo, kung pwede?"
Mukhang hindi naman alam ng babae ang gagawin. Nagdadalawang isip man ay at pumasok ito sa loob ng kitchen.
Isang matangkad na babae ang sa tingin ko ay nasa 40s ang lumabas mula roon. Nakapusod ang buhok nito sa likod at nakasuot ng corporate attire, white na blouse at itim na slacks. May tindig itong lumapit sa akin dahilan para mapatayo ako.
"Yes, Ma'am, may problema po ba sila?" tanong niya.
"Uhm... wa-wala naman po, a-ako po si Bonita, Bonita Macaraeg? Nanay ko po si Lorena Macaraeg."
"Lorena Macaraeg?" tila nag-isip pa ito saglit, "Anak ka ni Lorena?"
Hindi ko alam kung anong isasagot kaya tumango na lang ako, "Parang ganon na nga po... Uhmm..." saka ko inilabas ang isang puting tela sa loob ng sling bag ko, "Ibinigay n'ya po sa'kin ito..."
Kinuha niya ito at saka sinipat, napukaw ang kanyang atensyon sa burda nitong G.S.
"Sayo 'to?" tila hindi siya makapaniwala nang muli siyang humarap sa akin.
BINABASA MO ANG
Walking with the Path of Stars (COMPLETED)
RomanceBonnie is a diligent and kind person, she prefer to work independently than to work with others. Sa gantong paraan niya lang kasi nararamdaman na hindi siya pabigat sa mga taong nasa paligid niya. Not until, she became the stylist of a famous boygro...