C5

37 3 0
                                    




Ang sakit ng ulo. dahan dahan kong minulat ang mga mata ko and jeezzzzzz

nasan ako?


kumpleto pa naman yung suot ko. I checked my necklace, earrings, bracelet and yung purse ko. wala namang nawawala so it means di ako nadekwatan





kamangha-mangha ang kwartong 'to lalo na yung kama astig ang galing... sobrang galing. Akalain mong pinatulog ako sa isang malaking SOFFA! as in di man lang ako pinatulog sa kwarto. kaya pala sumasakit din ang buong katawan ko. inis kong inalala yung mg nangyari kagabi and yes condo nga ito nung lalaking yon.


dahan dahan akong naglakad at hinanap yung cr tsaka ako naghilamos, nagmumog at nag mouthwash. Nakakatampo lang, ang ganda ganda ko para patulugin sa soffa. mukha pa naman akong fresh sa itsura kong 'to. inamoy amoy ko yung sarili ko psh amoy alak


I checked my phone and 7am na pala.


"tao po"


"gutom na po ako"


"hello"


pagbubulabog ko sa buong condo pero parang walang tao. dahan-dahan akong naglakad papuntang kwarto at binuksan ang pinto


and there he is.... sleeping


bat ang pogi parin kahit tulog psh unfair sa ibang boys


umilaw yung bombilya sa utak ko kaya binuksan ko ang aparador nya para kumuha ng shirt and I got white shirt na sobrang luwang. since tulog sya, pumunta muna ako sa cr nya para magpalit then nilagay ko sa plastik yung dress ko. buti nalang at may short akong suot.


mukhang tulog mantika pa sya, inis kong tinignan sya habang tulog at kumportableng nakahiga sa kama, samantalang ako pinatulog nya sa soffa


I'm checking his room right now and may isang picture frame ang nakakuha ng atensyon ko na nasa study table nya.


a girl and a boy smiling at the camera mukhang totoy pa sya dito and they look so happy.





so you have a girlfriend. pero iba-iba ang kinikiss mong babero ka. psh


"get out" napalingon ako sa lalaking bagong gising at tila naiirita sya sa sinag ng araw


"good morning" bati ko sakanya with smiling effect hmmm


"walang good sa morning" iritableng sabi nya sabay bangon papuntang cr. he just wearing boxer shorts and shirtless.


"yeah right, walang good sa morning dahil ang sakit ng katawan kong hinayupak ka dahil pinatulog mo ako sa soffa at ikaw sarap na sarap sa kama psh wala man lang ka hospi- hospitality sa katawan" bulong ko sa hangin pero parang narinig nya kaya napahinto sya sa paglalakad at lumingon sakin


"better than sleeping outside" omg ang laki ng katawan nya!!! girl andaming abs! omayyy gggg daks si kuya


"Get out, you pervert!"


mukhang nakita nya akong nakatingin sa katawan nya at sa anooo nya kaya nakasalubong ang kilay nya at pinalayas ako sa kwarto nya may pa tulak tulak pa syang nalalaman


"ang damot" nakangusong sabi ko hmmm patingin lang e. ayaw pa hays





ano kayang pwedeng lutuin dito? hmm I checked his ref and medyo marami namang laman. chef ba sya? sana all





Lumiere in the DarkWhere stories live. Discover now