"Miss Santos... habang wala ako ng tatlong oras, Ilista mo lahat ng NOISY" diniinan talaga ni Panot yung word na Noisy habang nakatingin sakin, wtf? Srsly? hahahaha ano kami grade 1? uso pala yung pag lilista ng noisy sa college?"ser di na kami bata"
"oo nga ser, ano kami Elem?"
"omyggeee super old fashion naman"
reklamo ng mga kaklase ko, umirap nalang ako habang inaantok na tinignan sila Mira at Elle na busy kakacellphone ng patago psh
"ang lahat na malilista sa Listahan ng Noisy ay zero sa 100 points na long quiz" pahabol ni Panot bago binalibag ang pinto at lumabas.
Speaking of Zero magkikita kami mamaya, may pupuntahan daw kami pero di nya sinabi kung saan.
ano kayang ginagawa nya ngayon? Nakakabagot ang tahimik ng buong classroom, wala talagang nagbabalak mag-ingay. Ang kati-kati ng ilong ko kanina ko, di ko alam kung bakit medyo malamig pa naman ang paligid dahil sa tinodong dalawang air con
san ko ba nilagay yung panyo ko, feeling ko sinisipon ako
"hatchingggg"
napatingin ang lahat sakin nung umatching ako. Bakit? 1st time nilang nakasaksi ng ganon?
from: Elle
huy gaga ka! bat di mo pinigilan
eh? di naman ako nakipagdaldalan so hindi counted yun diba? tsaka isa pa, bat ko pipigilan ang pag atching?
From: Mira
lagot ka nanaman kay Panot
seriously? Masama bang umatching? is it a crime??
lumipas ang oras at bumalik na nga si Panot.. buti naman at uwian na nyan
"Miss Santos akin na ang listahan"
dahan-dahan namang inabot ni Santos ang listahan kay Panot tska nya ito binasa
"Nakipag-daldalan Kevin, Jane and Alex"
"huy nagbubulungan lang kami ah"
"oo nga sobrang hina lang nun"
"ang oa naman nyan"
reklamo nila, minsan talaga di ko negegets ang trip ni Panot, ang hirap sakyan
"Umubo.... RiRi"
whatttt??? tanginaaa ano ulit??? paki ulit???
"hahahhahaa" tawanan ng mga kaklase ko. wtf? is this for real??
"oh Catalonia... I wonder why napaka placey naman pala ng ubo mo" Nakangising sabi ni panot
"what? kahit pag-ubo bawal? Excuse me? is this a joke?" inis na reklamo ko
"oo nga ser, di naman sinasadya ni RiRi yun tsaka umatching sya hindi ubo. Magkaiba yun"