C2

92 3 0
                                    

"oh buti naman at gising ka na"


"ano? naparami ata inom natin ah"


bungad ng dalawang traidor sa harap ko, inirapan ko lang sila at dumiretso sa kusina para kumuha ng ice cream sa fridge


"wow ah snobber ka na ghourl?"


"galit ata kase sya lang nahuli ni panot kanina hahaha"


"hahaha e alam mo namang favorite ka ni panot kaya ka nya laging pinag didiskitahan, labas kami jan. di kami dapat damay sa galit mo"


"ang ingay nyong dalawa" masungit akong umupo sa soffa at inirapan sila


"We know right! pero, mas maingay ka kaya ka nga pinalabas" agad kong tinignan ng masama si Elle at nag peace sign lang sya


"soooo bakit ka nga nalaseng at nakipag table sa apat na guy?" tanong ni Mira na kinuha ang kutsara at ice cream ko sa mga kamay ko at pinagpapak na nya


"hoy! akin yan" pinalo ni Mira ang kamay ko nung sinubukan kong agawin ang ice cream ko.


"penge din ako!" nakiaagaw pa si Elle huwaaa paubos na


"guys srsly wala ba kayong makain sa condo nyo?" Reklamo ko sa kanila habang nagpupunas ng sahig dahil sa tulo-tulo nila. Ayaw ko gapangin ng mga insekto at langgam noh


"meron pa naman, nagutom lang. Ang gago kase ni Panot"


"bakit anyare sa FAV prof ko?" note the sarcasm. at teka "FYI Mira di ako naki table sa kanila, sila ang nakitable sa table ko."


"late reply ka na girl naka moved on na tayo sa topic na yan"


"truullyy sounds defensive hmmm pero infairness ang ga-gwapo ng mga kasama mo kanina" gwapo my arseee. di sila gwapo! tapos usapan


"whatever so ano na nga balita kay Panot?" pag-iiba ko ulit ng topic kase mas curious ako kay panot kesa sa lalakeng mahangin kanina


"sa buong 3hrs nag discussed ba naman tapos long quiz daw agad bukas first subject 10am" tiniming talaga ni sir na mag pa quiz lalo na't alam nyang wala ako kanina. pshhh !


"here, copy and study my notes."





Panibagong araw para sa panibagong late. Nag review kase ako ng bongga kagabi hanggang alas tres para paghandaan ang ganti kay Panot. Bet kong iperfect ang quiz nya kaya naman kahit mga wala sa notes ni Mira ay nireview ko na, nag search rin ako sa ibang books at internet para sure na talaga ang Perfect Score.


konting tiis nalang at malapit na ako sa building namin kaya naman medyo binagalan ko na ang lakad para may poise ako pagkapasok ko sa room kaso lang may walang hiyang sinadyang banggain ako kaya muntik nakong ma out of balance, naka heels pa naman ako


"I thought you're a wall, my bad!" may pa iling-iling pa si gago teka siya yung lalakeng mahangin kahapon sa DOS ah! naglakad ulit sya patalikod saken feeling ko papunta sya sa building nila. pero wait, ano daw? wall? ako? wall? as in pader? e gago pala tong bulag na'to e duhhh masyado nya namang ata akong inunderestimate ng lalakeng 'to.



"MAY ARAW KA DIN SAKEN, KAPREEE!" sigaw ko sa kanya bago ulit ako naglakad.



Lumiere in the DarkWhere stories live. Discover now