"okay ka lang ba? may masakit ba sayo?" nag-alalang tanong ni Mira at Elle habang chinicheck ang kabuuan ko, nabalitaan daw kasi nila yung nangyari sakin kahapon."sure akong si Ally ang may pakana nyan" dugtong ni Mira
"I'm okay, pero natatakot ako sa ano pang mangyayari"
"Srsly? that carzy girl! I can probably pull her hair hanggang sa maalis pati anit" inis na sabi ni Elle
"ilang sampal ba ang gusto nyan para bumalik sa katinuan?" palabang sabi ni Mira
natawa nalang ako sa kanilang dalawa, Andito kami sa Cafeteria para mag recess at halos lahat ng tao rito kanina ay tumingin sakin ng may pag alala. Na touched naman ako ng very light ambilis kumalat ng balita.
"RiRi!!" napatingin kami sa sumisigaw na Jing Jing habang papalapit sa pwesto namin, pinagtitinginan na sya ng mga tao ang ingay-ingay kasi. umupo sya agad sa tabi ko
"okay ka lang? di ka naman nasaktan ano?" pag chcheck nya sakin. ngumiti ako tsaka umiling
"buti naman! yung baliw na yun, malilintikan talaga sakin yun" inis na sabi nya tsaka nya inagaw ang pagkain ni Elle
"hey! that's mine" reklamo ni Elle
"pahingi lang, damot" nakasimangot na sabi ni Jing Jing
seriously, bagay talaga sila hahhaha
"Tanda!! yuhooo" tawag ni Jing Jing sa papalapit na si Tommy, kumway-kaway pa sya
"zupp" bati ni Tommy samin tsaka sya kumuha ng isang stall para umupo sa table namin
"Kaming dalawa ang makakasama nyo maghapon" nakangiting sabi ni Jing Jing samin, taka naman namin syang tinignan
"asan ba si Zero?" tanong ko
"may pupuntahan daw sila ni Kenjie" inosenteng sagot ni Jing Jing tsaka sya sumubo ng burger.
"partner kase sila sa task performance" dugtong ni Tommy nung napansin nyang di ako satisfied sa sagot ni Jing Jing. tumango nalang ako tsaka nagsimula ng ubusin ang pagkain ko.
-
-
-
"Miss Catalonia"
nagulat ako ng siniko ako ni Mira, sumenyas naman sya na tumingin ako sa harap kaya tumingin ako
"Are you listening? kanina pa kita napapansing tulala" yumuko ako ng konti sa hiya
"sorry Ma'am" May pag galang na paumanhin ko.
Natapos nalang ang klase at wala parin ako sa sarili, Kanina ko pa hindi macontact si Zero tsaka si Kenjie. Andito sila Tommy, Jing Jing, Mira at Elle sa condo ko nasa sala sila at nasa kwarto ako matapos kong nabasag ang baso kanina at nasugatan pa ang isang daliri ko, malakas ang kutob kong may mangyayaring masama kaya pumunta nalang ako ng kwarto at nagkunwaring may sakit habang ayaw nila akong iwan mag-isa which I find weirder. Sigurado akong may alam si tommy at Jing JIng kung nasaan si Zero at Kenjie.