pumito ang referee nung bumagsak si Alexandra sa sahig. I just played innocent in front of everyone. MAbuti nalang at di nagsumbong si Alexandra or baka naman di nya napansin na sinadya ko talagang ipush ang bola sa tiyan nya para masktan sya. Napadako ang mata ko kay Zero at bumilis nanaman ulit ang tibok ng puso ko. tinignan ko ang mata nyang tila may gustong sabihin sa aakin. Mukhang hindi sya disappointed sa ginawa ko. Mukhang natutuwa pa sya na lumalaban ako.
'Hangga't may naniniwala sa iyo, magpatuloy ka' taas noo akong naglakad papuntang harap ng ring for my violation. I need to shoot this ball.
I won, Bitch we won!
Palabas na ako ng gym ng makasalubong ko si Zero na nakasandal sa pader na tila'y may hinihintay.
"kumain ka na?" tumingin muna ako sa paligid bago sumagot sa kanya. malay ko bang iba ang kausap nya
"tst" umirap sya at tumingin sa ibang direksyon. Ako ba kausap neto? I tilted my head and magsimula na sanang maglakad ulit ng hilain nya ang kamay ko palayo roon.
"hoy! namumuro ka na kakahila sa akin" inis na sabi ko habang hinihilot ko ang kamay, feeling ko injured ang kamay ko. masakit kase pag nabibinat
"enjoy na enjoy mo talaga ang paghawak sa kamay ko ah, crush mo na ba ako?" nakangising asar ko sakanya
"dream on" tipid na sagot nya tsaka ako binigyan ng nakakaasar na ngiti, pinat pa nya ang ulo ko mukha tuloy akong bata sa ginagawa nya. tinabig ko ang kamay nya tsaka sa tinignan ng masama
"bakit ansama mong tumingin?" tanong nya habang pinag-aaralan ang mga titig ko.
"alangan namang kindatan kita, edi maiinlove ka sakin" diretsong sagot ko hahhaha napangiwi sya at mukhang nandidiri sa sinabi ko. choosy ka pa jan
"kumain ka na?"pang-iiba nya ng topic. may naisip naman akong nakakaloko
"bakit concern ka sakin? love mo na ba ako?" hhahahahhaa kitang-kita ko ang pagbabago ng reaction nya from seryoso to gulat na nandidiri hahhaha
"ilan kaming binabanatan mo ng ganyan?" seryosong tanong nya habang naglalakad kami. ahm ilan nga ba? sa ngayon si Ace palang naman at sya
"si Ace tsaka ikaw" tipid na sagot ko. napahinto naman sya sa paglalakad at masama ang tingin sa akin.
"what?" nagtatakang tanong ko
"may gagawin pa ako" walang emosyong sabi nya tsaka nagsimula na syang maglakad palayo sa akin. di ko na hinabol, duhh walang babae ang naghahabol! always remember that.
kahit na di ko alam kung bakit ganon ang inaakto ni Zero, nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at sa kasamaang palad nasa harap ko na ngayon yung muse ng engineering department may kasama pang dalawang alalay.
"tabi, dadaan ang dyosa" walang kaganang ganang sabi ko tsaka binangga ang shoulders nila
"ouchh"maarte na sabi nung isa
"bastos ka talaga" panunumbat nung muse keneme, inirapan ko lang bago sumagot
"matagal na, ngayon ka lang ba na inform?" nakangiting sabi ko. mas lalo naman syang na trigger