C8

29 3 0
                                    

Spell maingay grabe ang ingay ng table namin ngayon



"RiRi ito pa oh steak" nilagay ni Jing jing yung steak sa plato ko



"RiRi gusto mo? Vegetable salad para healthy" nilagay din ni Tommy A.K.A tanda yung plato ko



"RiRi ito oh mag rice ka pa para malakas ka mamaya" kahit madami pa akong kanin sa Plato ko, nilagyan parin ni Kenjie A.K.A yung tulog nung nakaraan


Napatingin nalang ako sa plato kong punong-puno at dinadagdagan pa ni Jing Jing ng mga karne na ninanakaw nya sa plato ni Itlog




Nasapo ko ang noo ko mukha ba akong di nakakain ng limang araw? Ughhh





"Start eating your food" seryosong sabi ni Zero na nasa harap ko


Katabi ko si Jing tsaka si Tommy and sa harap naman namin ay si Itlog at Ally

Nagsimula na akong kumain at tinabi ko yung ibang gulay na di ko naman kinakain



"Babe say ahhh" napatingin kami sa harap namin

Sinusubuan ni Ally si Itlog na mukhang ayaw mag pasubo



"I'm not a kid" seryosong sabi nya kay Ally



"Pero gustong-gusto mong sinusubuan kita kagabi" pagmamaktol ni Ally



Nabulunan ako ng slight kaya medyo naubo ako



"Excuse me" nahihiyang sabi ko tsaka ako nagulat ng may apat na baso ng tubig ang nag ooffer sakin. si Itlog, Si Tommy, Si Kenjie at si JingJing



"May tubig ako dito" tinaas ko yung tubig ko at uminom ako ng slight. Kumain nalang sila ulit at napatingin ako kay Ally na nakatingin sakin. Nag smile lang sya kaya nag smile narin ako



"Kay RiRi ako sasabay" nakangiting sabi ni Jing. Nasa parking lot na kami



"Ako din!" Sabi ni tommy at nauna ng umupo sa shot gun seat



"Hoy ako jannn!!! Tanda bumaba ka jan!" parang batang sigaw ni Jing Jing at pinapalabas si Tommy sa kotse




"Kay RiRi narin ako" nakangiting sabi ni Kenjie so it means mag sosolo si Zero at Ally sa kotse.



"Thanks sa food, mauuna na kami" sabi ko kay itlog at naglakad na ako papunta kila JingJing.




"Nye nye tanda" pang-aasar ni Jing kay Tommy dahil si Tommy ang nakaupo sa shot gun seat kaya nakasimangot si Jing buong byahe kasama si Kenjie sa likod.





tahimik lang na naglalakad si Tommy at kenjie sa likod namin ni JingJing na kanina pa chumichika ng chika sa akin about dun sa quiz nilang first time ni Zero na makakuha ng itlog dahil sa sobrang kalasingan.





"Ang saya-saya ko nun, tapos alam mo ba pinatawag sya ng dean ng engineering department dahil sa performance nya na yun grabe minomonitor talaga nila ang performance ni Zero"


"RiRi mauna na kami sa gym" pagpapaalam ni Tommy at kenjie


"hoy Jing tara na" agad namang inalis ni Jing ang kamay ni Kenjie sa balikat nya


"mauna na kayo may ichichika pa ako kay RiRi" malakas na tanggi ni Jing tsaka hinila ako palayo sa dalawa


"di pa ba naubos ang chika mo ?" tanong ko kay JIng habang sinisipsip ang milktea ko na libre nya


Lumiere in the DarkWhere stories live. Discover now