C7

30 3 0
                                    




Jing  Ang  followed you on instagram

Tommy Dela Cruz followed you on instagram

Kenjie Ramos followed you on instagram


and 16 others started following you





pagkabukas na pagkabukas ko ng instagram ko ganito agad yung bumungad sakin. finollowback ko naman agad si Jing at inistalk ko muna yung dalawa na hindi familiar sakin. kaibigan sila ni itlog, Si Tanda ay si Tommy at yung tulog ay si Kenjie. finollowback ko narin sila at tinignan yung stories nila.



nasa club sila ngayon nag wawalwal, nahagip ng video si Itlog habang umiinom ng alak katabi nya si Ally 





inend ko na agad yung pag sscroll at nanood nalang sa netflix.





Late na akong nagising kaya naman di na ako nagmadaling maligo at mag ayos kase nga late narin naman. tsaka isa pa, training lang ang gagawin buong week at next week intrams na so gora okay lang malate.



naka jogging pants lang ako na black at white tshirt na croptop then may sports bra sa loob tsaka at nag Nike white shoes. nag liptint lang din ako at naglagay ng konti sa cheeks din brinush ko lang ang kilay ko ng eyebrow gel. Ayaw ko maglagay ng makeup kaya simple simple lang, mukha parin naman akong dyosa.



"RiRi" nakangiting tawag skin ni Jing  Jing ng makapasok ako ng gym.





"Jing Jing" ngumiti ako sakanya and I spread my arms para medyo dramatic ang pagkikita namin


Lumapit naman sya sakin at yayakapin nya na sana ako ng biglang dumaan si itlog sa gitna naming dalawa ni Jing Jing






"Corny" cool na cool na sabi ni itlog.



"Kailangan nyong idribble yung bola. Di pwedeng itakbo nyo lang. okay?" hays ano kayang magiging kinalabasan ng team namin. Sa volleyball medyo okay pa kase nakakasunod pa yung iba kaso parang takot sila mag receive. Now sa basketball para silang mga tanga.


Lumapit ako para ipakita kung paano mag dribble sabay shoot. Pumalakpak ang mga kateam ko at ibang nanonood sa gym



"Ang galing Captain!!" pang chi-cheer nila sa akin.





"GO RIRI!!!" nabaling ang tingin ko sa sumisigaw na si Jing, nakatingin din pala sa akin sila itlog at mga kaibigan nya.



"Wag ganyan, ma f-foul tayo. Wag kayong mantulak or manakit okay?" Ayaw ko namang tawaging mandaraya ang team ko kaya hangga't maari ayaw ko silang turuan ng mga dirty tricks kahit alam kong ganon ang kinalalabasan ng basketball girls like last year.






"Pwede pahiram ng court?" napatingin ako sa lalaking may hawak ng bola kasama nya ang mga kateam nya. Naka jersey sila ng Tourism Department so it means kasama namin sila.



"Captain pwede kami muna?" Bigla akong namula ng maalala kong sya yung lalaking iniwan ko sa club nung nakaraang gabi after kong tumakas sa family dinner namin.






"G-guys pahinga muna tayo" utos ko sa mga kateam ko. Trying to avoid his gaze. Alam kong namumukhaan nya ako kaya di na ako magtataka kung aasarin ako neto. TANGINA ang cute at ang pogi nya talaga!!






Lumiere in the DarkWhere stories live. Discover now