"seriously ang sakit na ng buong katawan ko kaka tumbling" pagmamaktol ni Elle sa harapan namin ni Mira.
"hello kamusta naman akong pabalik balik sa fculty, dean's office at sa iba pang office keneme para sa mga papers psh" reklamo din ni Mira. binuksan ko nalang yung isa pang beer at prenteng umupo sa couch. andito kami ngayon sa DOS
"buti pa tong isa, pagod nga atleast napapaligiran ng mga boys" baling ni elle sakin at ngumiti ng nakakaloko
"wag mong sasabihing pinagsasabay mo ang paglalandi sa pag ttrain" singit pa ni Mira at tumingin sakin ng may pag aakusa.
"Hoy hindi ah, Makabintang naman kayo jan!" pagtanggi ko.
Simula kase nung nangyaring basketball with team Ace. di na nila kami tinatantanan hanggang sa gumaling ang mga kateam ko. seriously, mas naka focus pa sila sa amin kesa sa sariling training nila. Simula din ng araw na yun, patuloy na ang pangungulit Ni Jing Jing sa amin sinama nya pa sila Tommy at kenjie. paminsan-minsan nag mimilktea kaming apat malapit sa school at minsan kasama namin si zero kaso sinusundo din sya kaagad ni ally kaya todo backstab si Jing Jing kay Ally.
Palagi akong kinukulit ni Ace at todo asar naman 'tong mga kateam namin na bagay daw kami at ginawan pa kami ng love team. "AceRi or Race"daw juskoo feel na feel naman ni Ace kaya usap-usapan ngayon sa University na magjowa kami kaya todo comment si Jing sa post sa facebook about sa article na yun na fake news daw wag paniniwalaan, papangit lahat ng maniniwala. natawa naman ako nung pinagbawalan ako ni Jing na wag sumama kay Ace dahil may nagagalit daw.
"so may feelings ka ba kay Ace?" tanong ni Mira. umiling naman ako
"alam mo namang bawal ako mainlove" ngumiti ako ng mapait habang inaalala ko yung paalala nila mom and dad na bawal akong magmahal or mag jowa keneme tapos yung likod ng fiance ko habang tumatakbo palayo sakin psh di ko man lang nakita ang mukha nya.
"anong itsura ng fiance mo?" tanong ni elle habang sinusuri ang reaction ko.
"well to be honest, likod lang ang nakita ko. He was running away from me kase may tumawag sa kanya and he said something.... he's inlove with someone important." i rolled my eyeballs at diretso kong nilagok yung isang bote ng alak.
"ohhh what a heart breaking moment for you" inirapan ko si Elle at tumawa sya
"heart breaking my arse I never feel sad about it" naapakan lang ang ego ko
"yeah right, napaka basher mo sa salitang 'love'"
"eh kayo ba namang dalawa nagpapakatanga sa love malamang magiging basher na ako ng love na yan, it makes people cry"
"oh buti Mira di ka na umiiyak ngayon" baling ni Elle kay Mira na natahimik na nag seselpon
"break na sila" sabi ni Mira. tumaas ang isang kilay ni elle at mukhang manenermon nanaman kay Mira.
"wag mong sasabihing nakikipag balikan sya?" may inis sa tanong ni elle. kahit ako naiinis din sa balitang iyon
"wag mong hahayaang maging rebound ka ulit." may diing sabi ko kay Mira
"I know, I know. Kalma.... di ko pa nirereplyan" inagaw naman agad ni elle ang phone ni Mira at pinasa sakin
from: Nathan