"Goooooo Crimmmm!!! Ahu ahu ahu!!""Go Educ! Go Educ!! Go Go Educ!!!"
"Engineering Malakas Masarap!!!"
"Tourista!! Tourista!! Touris.......ta Magaganda!!!
napahawak nalang ako sa tenga sa sobrang ingay ng mga katabi ko, kanina pa sigaw ng sigaw! Andito kami ngayon sa gym. since sobrang lawak at laki nito, nagkasya kaming more than 3k students malakas din ang aircon kaya hindi mainit. Katabi ko si Mira at si Elle naman ay nakaupo doon sa mga upuan ng cheerdance keneme kasama sila Ally
"AMIN ANG BATAS KAYA KAMI ANG MALAKAS!!!" natawa naman ako sa cheer ng mga Law Students hahhaha
"Engineering VS Criminology" mas lalong nagsigawan ang crowd nung inannounce ng host ang lalaban sa 1st game basketball boys
"Crminology Department" medyo malakas ang hiyawan sa buong gym ng lumabas ang mga itlog naka jersey charot ahahahha infairness may bagay nila ang pagiging kalbo, anlalaki ng katawan nila
"Gooooooo Zachhhh!!"
"Goooooo Crimmmm ahu ahu ahu ahu"
"kyaahhhh ang hohot nila!!"
"Goooooo mga itlog!!!" lumakas ang tawanan nung sumigaw ang Prof ng mga crim students hahhaa pag ccheer ba yon? or pang dadown hahahahha
"Engineering Department" sigaw ng host at nagsiglabasan ang mga players ng Engineering. Tumindi ang hiyawan ng lumabas si Zero galing back stage
"kyaaahhhh Zeroooooo!!!"
"Engineering Malakas Masarap!!!!"
"ang popogi nila!!!!"
"Jing JInggggg!!!"
"Ang sarap ni tommy!!!"
"KEnjie my sexy love!!!"
"Zerrroooooooo ang sarap mo!!!!"
inis akong napalingon sa mga grupo ng kababaihan mula med students. nakakahiya sila bilang babae jeez!!
"oh bat ang sama mo makatingin sa kanila?" nagtatakang tanong ni Mira sakin. umiling nalang ako at pinanood ko nalang sila Jing Jing na nag uusap-usap kasama ang mga kateam nila habang si Zero ay mukhang may hinahanap sa crowd. Si Ally ba? e nasa harapan lang naman ang upuan ng mga cheerleaders. May ibang babae pa ba sya bukod kay Ally? teka bakit ba ako nag assume na babae ang hinahanap nya? psh
From: Jing Jing
saan ka banda?
nagreply naman ako
To: Jing Jing
jan lang sa tabi-tabi
napataas ang isang kilay ko ng makita kong binigay ni Jing Jing ang cellphone nya kay Zero. tinignan ko ang text ni Jing Jing na feeling ko si Zero ang gumagamit at nag tetext sakin
from: Jing Jing
pumunta ka sa harap
at bakit?
to: Jing Jing
goodluck sa laban nyo, pag chicheer ko kayo