"pero tita hindi nga po normal yung heart beat ko, feeling ko may sakit ako sa puso or may highblood ako. Kase lately masyadong akong na stressed sa training hmmm" pagpipilit ko sa tita kong Dr. mama ni Kent at Ken, dumaan kasi ako sa bahay nila para mag pa check up
"Pero RiRi that's normal, wala kang sakit. it was just kilig" eh? KILIG? kanino? Kay Itlog?
"are you kidding me, tita?" Nakapamewang na tanong ko sa tita ko
"Nope. I'm just stating facts here, maybe you have a crush on him that's why your heart starting to beat fast when he's around"
Pinakatitigan ko ang mukha ng tita kong may ngisi sa mga labi nya. Seriously, ako may crush sa kanya?
"You know what tita, I should shift from being Tourism student into Med student. hmmmp" naglakad nalang ako palabas sa office nya, wala akong nakuhang matinong sagot sa sakit ko
"RiRi!! soon you will experience butterflies in your stomach" pahabol na sigaw ng tita ko
Paano naman magkakaroon ng butterfly sa tiyan ko e never naman akong kumain ng bulaklak ughh whatever idiomatic expression keneme
"Bat ka nandito?" Tanong ni Kent nung makasalubong ko sya sa hallway ng bahay nila
"Wala trip ko lang mag-ikot sa bahay nyo" tsaka ko sya nilampasan
"Weirdo" rinig kong bulong nya.
"Halika lagyan pa natin ng konting blush on"
"Ano ka ba! Tama na yan, lipstick nalang ang dagdagan mo"
"Teka patingin ng kilay... ohh shittt Elle bakit di pantay!"
"Ha? Okay naman ah"
Napairap nalang ako habang pinag mamasdan sila Elle At Mira na natatarantang ayusan ako. Srsly. They wrecked my fcking sleep just to do my make up for the goddamn intrams parade.
"Kanina pa ako nahihilo sainyong dalawa!" Reklamo ko habang pinagmamasdan ang mukha ko sa salamin
Hmmm medyo okay naman yung pag kakaayos pantay naman yung kilay at di masyadong makapal ang blush on.
"Omaygosh RiRi! Bakit ang laki ng eyebags mo" reklamo ni Elle habang pinapahiran ng concealer ang ilalim ng mga mata ko
"Nakailang patong na ako ng concealer" dagdag pa nya
Di ko sya sinagot. Alangan namang sabihin ko na may sakit ako sa puso o di kaya'y may high blood ako baka hindi sila maniniwala sa akin.
After nila akong ayusan nagbihis na ako ng crop top na tourism dept shirt color yellow sya na may apelyedo ko sa likod at number 11 sa right side ng boobs ko.
Then white high waisted maong short na may pag ka ripped sa ibaba at sport shoes na color white and yellow. Naka lugay lang ang mahaba kong buhok na natural ang pagka curly sa ibaba.
