"binaback stab nyo ba ako?" naka salubong ang kilay ni Itlogpatay malisya naman si Jing Jing kaya sumipsip nalang ako sa milktea ko tska tumingin sa ibang direksyon
"so binabackstab nyo nga ako" back stab daw? teka parang di naman
"opss labas ako jan!" pagtatanggi ni Jing Jing with taas kamay pa na parang sumusuko
tumingin saken si Itlog na parang nagtatanong at hinihintay ang sagot ko ng irapan ko sya
"I'm innocent" inosenteng sabi ko habang sumisipsip sa milktea ko
"why you guys are together?" seryosong tanong ni itlog. nagkatinginan naman kami ni Jing Jing kaya inakbayan ko sya
"he's my new found friend diba Jing"
"ha? ah oo, hehe friend ko na sya" ang awkward naman ni Jing psh di marunong umarte. teka bat ansama ng tingin ni itlog sa kamay kong naka akbay kay Jing? nailang naman ako sa tingin nya kaya binitawan ko nalang si Jing Jing
"Jing may practice tayo" seryosong baling ni itlog kay jingjing
"ah oo sige. bye RiRi yung usapan natin ah!" nakangiting pagpapaalam ni JingJing sakin
"yezzy bye na."
hays naiwan nanaman akong mag-isa. nakakainis busy silang lahat para sa intrams
maglalaro ba ako? actually di naman ako lampa. sporty ako pero duhhh ang pabebe kaya ng mga tourism na babae ni takot matamaan ng bola or mapag pawisan kaya nga Ganda Ganda lang tawag samin ng ibang department.
"RiRi pinpatawag ka ni Prof Dee" agad naman akong dumiretso sa faculty para puntahan si Prof Dee
"Sir ayoko!" pagmamaktol ko. kinukuha nya kase akong captain ball ng volleyball at basketball duhhh baka ako lang magdadala.
"kesa sa wala tayong representative, you know naman na ikaw lang ang maasahan pagdating jan" psh tong baklang to dinidemonyo nanaman ako
"nahihirapan ka daw sa isang major subject mo dahil sa attitude mo" nakuha ni sir ang atensyon ko. yuppp nahihirapan talaga ako ang taray kase ni Maám Clarrise palibhasa matandang single psh tsaka ayaw nya sa daw sa attitude ko, e ayaw ko din yung attitude nya kaya ayun. kwits kami, lamang nga lang sya kase hawak nya grades ko.
"pwede kitang tulungan, I can talk to her since head din naman sya ng deaprtment natin" malanding sabi ni Prof Dee. baklang gwapo sayang bet pa naman sya ng ibang students.
"then what do you want me to do then?" mataray kong tanong kay sir naka cross arms pa ako at prenteng nakaupo sa couch
"hahayaan kitang mag recruite ng sarili mong player sa basketball at sa volleyball. bibigyan din kita ng power para sundin ka nila at hindi bastusin. Since maattitude ka namn feeling ko di ka mahihirapan. "
"k fine, I will start na"
naka upo ako sa batibot habang nag-iisip ng gagawin at hinihintay ko ang mga boys ko.... there they are.
