It wasn't a typical day for Mika Reyes. It has been like this since the day she met Kiefer Ravena. Morning, afternoon and at night, Kiefer never sieze to make her smile.
"Babe, bakit ba ang ganda-ganda mo?"
Nasa veranda ngayon silang dalawa sa bahay nila Kiefer. Since it's a holiday, Kiefer decided to spend it with his girlfriend. Nakaupo si Mika sa lap ni Kiefer habang si Kiefer naman ay nakapatong ang ulo sa balikat ng kasintahan.
"Lakas ng tama natin Ravena ha" tukso ni Mika sabay pisil sa ilong ni Kiefer.
"Naman! Lakas ng tama sa'yo, my loves" banat ni Kiefer sabay halik sa pisngi ni Mika.
"Asus, nagpapalambing ang bebe ko." Sabi ni Mika at tsaka humarap kay Kiefer at niyakap ito.
They stayed like that for minutes. Mika hugging Kiefer and giving feather kisses on his neck. While Kiefer on the other hand is smiling from ear to ear because he rarely sees Mika being sweet to him. Maybe because they're in a private place where no one could see them, in public kasi Mika rarely shows sweetness towards him eh. It's either Mika will just hold his hand or give him her sweetest smile.
Well, not that he is complaining tho. Mika is a sweet girl, no doubt in that. And right now, he prays to God that Mika is the one for him.
"Babe, nakalimutan kong sabihin sa'yo na may pupuntahan tayo bukas ng tanghali." Sabi ni Kiefer kay Mika.
"Hmmm" ang tanging response na narinig niya sa nobya.
"Babe... Baby... Miks..." Naramdama nalang niya na nakatulog na pala ang nobya sa kandungan niya. Napangiti na lang si Kiefer at dahan-dahan niyang binuhat ni Mika papuntang kwarto.
Nang mailagay na niya si Mika sa kama, inalis niya ang nakasuot na sneakers nito at nilagyan ng kumot ang natutulog na kasintahan.
"Good night, sweet girl. I love you" sabi ni Kiefer at hinalikan sa noo si Mika na mukhang pagod na pagod mula sa kanilang La Mesa Eco park adventure kanina.
Tinignan ni Kiefer ang orasan sa bedside table at di na namalayan na 9pm na pala. Lumabas si Kiefer ng kwarto at pumunta sa kitchen para kumuha ng gatas.
"O anak si Mika nasaan?" Tanong ng Mama ni Kiefer, si Mozzy.
"Nakatulog po eh. Napagod siguro sa lakad namin kanina" sagot ni Kiefer sa ina.
"Nako, kawawa naman. Nakakain naman kayo siguro kanina bago umuwi diba?"
"Yup, sa jollibee kami kumain"
Kumuha ng baso si Kiefer at tsaka binuksan ang fridge.
"Masaya ata ngayon tayo... Anong meron?" Napalingon si Kiefer sa ina at nakita na nakangisi ito sa kanya.
"Masaya lang po Ma." Sagot naman ni Kiefer at umupo sa tabi ng ina. "Hindi kasi ako makapaniwala na five years na kami ni Mika."
For the past five years of their relationship, ngayon lang naramdaman ni Kiefer kung gaano siya kasaya. Yung feeling na ayaw mo mahiwalay sa taong mahal na mahal mo, na sa tuwing nakikita mo siya eh lumiliwanag yung araw mo.
"I feel so lucky, Ma. I never felt this happiness before." Patuloy ni Kiefer na may malaking ngiti sa mukha.
"Me too, son. I am happy na nakahanap ka ng isang babae na katulad ni Mika. I've always known na kayo talaga ang nakatadhana" masayang sabi ni Mozzy sa anak.
"Kaya I'm planning to propose na, Ma." Nagulat si Mozzy sa sinabi ng anak.
"Really? When? Oh my, I'm so happy for you guys" niyakap ni Mozzy ang anak.