3

301 16 0
                                    



Ang aga-aga ay nagmamadali at tinatakbo niya na agad ang corridor ng Malayan University kung saan siya ngayon kumukuha ng kursong fine arts.

Isang linggo na simula nang magsimula ang klase. So far, maayos naman ang nangyayari. May isang ka-close na rin siya sa classmate niya, dahil una, pareho sila ng mga units na kinuha. Pangalawa, parang si Linda rin si Marianne. Kaya nga siguro magaan ang loob niya rito.

Bitbit ang bag sa likuran, kinuha niya ang panyo sa kaliwang bulsa ng black skinny jeans niya at pinunasan ang noo. Pawis na pawis na siya. Malamig naman sa rooms nila dahil naka-aircon, pero dahil tumakbo siya nang malayo para 'wag ma-late, nararamdaman niya ang init lalo na't suot niya ang black na maong niyang jacket. Good thing she's wearing a spaghetti strap na black na sando. Her boots is black as well. At itim din ang motor niya.

She was always labeled as a troublemaker or bad girl. Hindi naman dahil naghahanap siya ng gulo, but most of the times, ang mismong gulo na ang lumalapit sa kaniya.

Hinihingal na huminto siya saglit sa tapat ng room ng first subject niyang Basic Art 101. Kumatok siya ng dalawang beses bago pumasok. Tinanguan lang siya ng Professor niya at iminuwestra na umupo na siya.

Naramdaman niya agad ang pagtama ng lamig ng aircon sa balat niya. Kaya nang makaupo sa chair niya ay mabilis siyang nagpunas ng pawis. Mahirap nang matuyuan ng pawis.

"You're almost late na ah," bulong ni Marianne sa kaniya.

Inilabas niya ang ilang mga art materials na kailangan niya. Gaya ng charcoal pencil, at iba't-ibang shades ng pencil. She took her sketchbook from her bag too at inalagay ang mga 'yon sa desk niya.

"I went to a bar last night. I'm wasted. Late akong nagising," sagot niya rito.

Hindi na ito nakasagot dahil nagsimula na ang lecture ng Professor nila. He just tackled about shadows and lines. Mga basic knowledge to start how to draw. Mga bagay na alam naman na niya.

He was almost in his thirty minutes lecture when someone knocked at the door twice. Sabay-sabay tuloy silang lahat napalingon nang pumasok ang naka-hoodie na lalaki. Her classmate. Wyatt Asuncion. A loner who always sits at the back.

Like her, first year college lang din ito. At pareho lang din ang mga units nila. Pero hindi niya ito ka-close. Sa isang linggo n pagpasok sa university ay hindi niya pa nakikita ng buo ang mukha nito. Bukod kasi sa black eyeglasses nitong palagi nitong suot, he was always looking down. At laging nakasuot ang hoodie nito.

"You're late again, Mr. Asuncion," seryosong wika ng Professor nila.

Inayos ni Wyatt ang pagkakasukbit sa bag at nanatiling nakayuko.

"Sorry, Sir," mahinang sagot nito. Pero nagawa niyang marinig dahil tahimik lang sila sa klase.

At nang palagpasin na ito ng Professor ay dumiretso na ito sa upuan nito sa bandang likuran. Tumaas ang kilay niya nang magbulungan ang ilang kaklase nila na sigurado siyang sinadyang iparinig ng mga ito kay Wyatt.

"Weirdo," someone snickered.

She just rolled her eyes. Wyatt doesn't care. Wala itong pakialam sa mga sinasabi ng tao sa paligid, why should she care?

When the lecture was finally over, they were given a 25 minutes to draw anything that can show the art of a shadow.

She simply drew her classmate who was sitting near the window. Maganda kasi ang pagkakatama ng sunlight sa puwestong 'yon. Kita niya nang mabuti kung saan nanggaling ang mga shadows. Wala pa sigurong 15 minutes ay natapos na siya.

Safe Haven (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon