25

272 7 0
                                    





Wyatt.


Paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan nito sa isipan niya. She badly want to call his name, pero hindi niya magawa dahil sa busal sa bibig.


Hindi niya mapigilan ang mapaiyak nang makitang pinipilit ni Wyatt gumapang papunta sa kaniya. He's in too much pain already. God knows he doesn't deserve those pain.


"Wait for me there. I-I think kaya kong gumapang papunta diyan," mahinang sabi nito.


Mom, please. Save us, please.


Mabagal man ang paggalaw, nakikita niyang unti-unti ay nakakalapit na si Wyatt sa kaniya. His position is uncomfortable enough, but that did not stop him from moving. He even look more determined to get to her.


And in no time, tuluyan na ngang nakalapit si Wyatt sa kaniya. Nahihirapan man ay sumandal ito saglit sa upuan kung saan siya nakatali para makapagpahinga. Gustong-gusto niyang haplusin ang buhok at mukha nito. Gusto niya itong hawakan at yakapin. She's dying to kiss him. Pero hindi niya magawa.

"I'll just catch my breath. I'll try to release you, okay?" mahinahong sabi nito.

Naririnig niya ang paghinga nito nang malalim. Dinig na dinig niya ang pagod sa boses nito. Gusto niyang sabihin dito na 'wag nang pagurin ang sarili. Na ipunin nito ang lakas because he might need it later. But the fucking piece of shit on her mouth forbids her from uttering a single word.

She felt Wyatt move.

"Lower your head. Tatanggalin ko ang nasa bibig mo," mahinang sabi nito. She did.

Hirap man ay pinilit iangat ni Wyatt ang katawan para ilapit din ang mukha sa kaniya. At nang nakaluhod na ito sa harap niya, inalis nito ang busal sa bibig niya gamit ang sarili nitong bibig.

"Y-You're okay." Those are her first words.

Binigyan siya nito nang maliit na ngiti bago ito nagpunta sa likuran niya. "S-Susubukan kong alisin ang pagkakatali sa'yo."

"W-Wyatt," naiiyak na sambit niya sa pangalan nito.

And then she felt it. His hands brushing over hers. Nang pinilit niya itong lingunin, nakita niyang nakatalikod ito at ginagamit ang nakatali nitong kamay para luwagan ang pagkakagapos sa kaniya. At nang maramdaman niyang lumuluwag na ang pagkakatali sa kaniya, sinubukan niyang ilikot ang katawan para lumuwag nang tuluyan ang tali.

When she felt that her arms are not hurting too much anymore, she wiggled her body again. With the help of Wyatt, tuluyan na ngang naalis ang tali sa kamay niya.

Nagmamadali siyang inalis ang pagkakabuhol pa pati sa paa. Halos mabuwal pa siya nang bigla siyang tumayo. Naramdaman niya ang pamamanhid ng katawan. Pakiramdam niya ay hindi niya na mabuhat nang maayos ang sariling katawan. Pero kahit nahihirapan ay mabilis siyang nagpunta sa puwesto ni Wyatt at tinanggal ang pagkakatali ng kamay at paa nito.

Kitang-kita niya ngayon sa malapitan kung gaano kalala ang mga pasa nito. Natuyo na rin ang mga dugo sa sugat nitong hindi man lang nilinisan o ginamot. Kitang-kita niya ang bawat pagngiwi at bawat paghinga nito nang malalim dahil sa sobrang sakit.

"R-Run. T-Tumakas ka na, Azalea," seryosong sabi nito.

Ngayon lang niya na-realize that Wyatt couldn't move properly now. Dahil kahit wala na ang tali sa katawan, hindi pa rin ito makakilos nang maayos.

Safe Haven (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon