20

210 8 1
                                    




"So, kasama mo pala dito 'yung ex mo. Buti kinakaya mo?" pabulong na sabi ni Alec sa kaniya.

It has been over a month since Wyatt became a part of The heART. Honestly speaking, mas pinadali nito ang mga bagay-bagay para sa kanila ni Marianne. He's responsible and reliable. Kahit noon pa naman.

Napairap siya rito. "He's not my ex."

Napasulyap ulit ito kay Wyatt na nakangiting nag-a-assist sa isang batang lalaki. Nagpapatulong ang bata na mag-drawing ng puno. The kid was trying to make a drawing about nature.

Alec is here with Simone. Minsan kasi talaga ay pumunta ang dalawang ito para mag-donate sa The heART. Kahit pa simpleng mga art materials man or foods pang-meryenda ng mga bata. Sometimes Alec and Simone was doing a simple fund-raising to help the foundation going.

"He's good with kids though. He'll be a good father someday," nakangising komento pa nito.

Pero gusto niyang matawa nang makita ang pagkislap ng mga mata nito sa inis at selos sa panunuod kay Wyatt at Simone habang masayang nag-uusap at nagtutulungan. Wyatt is helping the kids with their arts, while Simone is preparing their simple snacks. A sandwich and juice. Courtesy of Simone and Alec.

"Bakit kasi hindi ka pa magtapat kay Simone? Halatang-halata ka na," natatawang sabi niya rito.

Kahit siya ay tumaas ang kilay niya nang makitang mag-ngitian si Wyatt at Simone. Kakakilala pa lang ng dalawa pero mukhang magkasundo na agad.

"Look at them, they are too nerdy... and too good. It's so repulsive to think that they'll end up together," may disgustong sabi nito.

Hindi niya na napigilan ang matawa. "You're hopeless, Alec. Just date her if you like her."

Pabirong tinulak siya nito kunwari. "Eh, ikaw? Ano'ng plano mo sa knight in distress mo?"

Inirapan niya lang ito ulit. Ano ba'ng plano? Bakit ba lahat halos nang nasa paligid niya ay iniisip na dapat ay may gawin siya?

"I'm not a Princess Charming anymore, Alec. I no longer give a fuck," nakangising sabi niya.

Seryoso at kunot ang noo nito habang pinapanuod si Wyatt at Simone. "Why are we not good with kids again?" bigla ay tanong nito.

Mahina siyang natawa. "Because we're both fucked up in the head."

Natawa na rin ito pero maya-maya ay nakangising ibinalik ang tingin sa dalawa sa loob. "I still don't like seeing them together though."

Tahimik na pinagmasdan niya rin ang dalawa. Simone's a good person. A decent girl. She doesn't have a single bad bone in her body. Same with Wyatt.

Kung tutuusin, bagay ang dalawa.

Pero kagaya ni Alec, hindi rin natutuwa ang mga mata niya sa nakikita. She's not going to admit that to him though.







MGA isang oras na ang nakalipas nang makaalis na si Simone at Alec. Marianne's not around kaya sila lang ni Wyatt ang naiwan sa The heART para linisin at isara 'yon. Everytime na itinatabi niya sa kaniya-kaniyang drawer ng mga bata ang art works ng mga ito ay napapangiti siya. Because she can definitely see the improvements.

Inikot niya ang paningin sa loob just to see if she missed something. Nang makasigurong nasa maayos na ang lahat, she smiled. Another successfull and progressive day.

Tumaas ang kilay niya nang makita si Wyatt sa isang shelf. Seryoso ang mukha nito habang may binubuklat. Kumunot ang noo niya. Until she realized what he's holding right now. The sketchpad that he left for her. 'Yung sketchpad na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tinitingnan.

"Tapos ka na ba? Let's close the studio now," sabi niya rito nang makalapit.

Pero hindi ito kumilos. Tahimik at seryoso pa rin ito sa pagtingin sa sketchpad nito.

Naoabuntong-hininga siya. "You can have it back. Wala naman akong gagawin diyan. I'm really tired and I want to go home. Sa bahay n'yo na 'yan tingnan."

He looked at her for a moment before he looked at his feet. Hawak pa rin ang sketchpad nito.

Napabuga na siya ng hangin. "If you want to stay here, fine. Ikaw na ang magsara nitong studio."

She was about to leave when he suddenly speak.

"T-Tiningnan mo ba 'to? Nakita mo na ba?"

Huminga siya nang malalim bago ito hinarap. "Honestly? No. I don't feel the need to look at it. It doesn't matter to me anymore."

Nakita niya ang pagbagsak ng balikat nito. "I-I still hope you'll look at it though."

Tumaas ang kilay niya. "Bakit? Mababago ba niyan lahat ng nangyari noon? May magbabago ba sa ginawa mo noon? You know what, you were right before. Kasi nu'ng umalis ka na, natahimik na ulit ang buhay ko. Maybe I should thank you for pushing me away."

"I promised you babalik ako," mahinang sabi nito.

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko? I told you na 'wag ka nang magpapakita sa'kin," nakangising sabi niya rito. "I don't fucking care kung naayos mo na ang problema mo. I don't give a flying fuck anymore."

Akmang lalapit ito sa kaniya pero itinaas niya ang kamay niya. Silently telling him not to get any closer. Because no matter her heart is beating wildly, she promised herself years ago that she was already done with him.

Nagmamadali siyang lumabas sa studio pero hinabol pa rin siya ni Wyatt hanggang sa labas. Nang maabutan siya nito ay malapit na siya sa motor niya. He held her arm to stop her.

"I-I'm sorry, Azalea," medyo naluluha nang sabi nito.

She looked him straight in the eyes and gave him a sarcastic smile. Tinabig din niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniya. "Tangina ng word na sorry na 'yan, Wyatt. Didn't you broke my heart years ago sa salitang 'yan? Tapos babalik ka, guguluhin mo ako, tapos ang sasabihin mo lang sa akin ay sorry? Fuck off. I don't want you in my life anymore."

Tinalikuran niya ito at akmang maglalakad na palayo, but then he spoke.

"I-I love you, Azalea."

When she turned around, what she saw broke something inside her. He was just standing there. Not trying to come any closer anymore. He was trying to wipe his tears like a kid. Tinanggal na rin nito ang eyeglasses.

"I-I'm sorry I have to do that to you. B-But if I have to do that over and over again just to make sure that you're okay, I'll do it in a heartbeat."

Napalunok siya sa sinabi nito.

"Wyatt!"

Sabay silang napatingin sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang mga mata nila nang makita si Jordan na may hawak na baril. Si Jordan na matagal na niyang hindi nakikita, ngayon na lang ulit. Bakit ba tuwing kasama niya si Wyatt ay puro gulo na ang kasunod?

"Putangina mo! Sampid! Dahil sa'yo at sa Nanay mong malandi namatay ang Mommy ko!" galit na sabi nito.

Ang baril na kanina ay nakatutok kay Wyatt ay itinutok nito bigla sa kaniya. Napansin niya ang dahan-dahang paghakbang palapit ni Wyatt.

"J-Jordan, sa akin mo na lang itutok 'yan. Sa akin ka galit. Ako ang saktan mo," pang-aalo pa nito.

Hindi siya makagalaw dahil isang maling kilos lang niya, siguradong paglalamayan siya.

Nanlamig ang katawan niya ng parang wala sa sariling ngumisi si Jordan. "I lost the person I loved the most. You should feel the same pain too."

Napalunok na siya. Pumikit saglit si Jordan bago huminga nang malalim. Nakita niya ang mas mahigpit na pagkakahawak nito sa baril.

In an instant, parang nag-slowmotion na nakita niya ang pagkilos ng daliri ni Jordan. Pero sa sulok ng mga mata niya ay nakita niya rin ang mabilis na pagtakbo ni Wyatt.

And before she knew it, umalingawngaw na sa paligid ang malakas na putok ng baril.



-----

Safe Haven (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon