4

261 15 2
                                    



"Sakay na."

Hindi niya alam kung matatawa o maaawa siya sa itsura ni Wyatt nang marinig ang boses niya. Halos mapalundag na kasi ito sa gulat.

Nakasakay siya sa motor niya at inabot dito ang helmet. She is already wearing her shades too.

Napabuntong-hininga siya nang tumitig lang ito sa kaniya. Kaya siya na ang naglagay ng helmet sa ulo nito. He's too close kaya wala naamoy niya ang mabangong amoy ni Wyatt. At nandu'n na naman ang pamilyar na amoy na hindi niya matukoy.

"Hop in. Ihahatid na kita," sabi niya rito nang makabit niya na ng tuluyan ang helmet dito.

"B-Bakit?" nagtatakang tanong pa nito.

Napatitig siya kay Wyatt. Matangkad ito. Hindi malaki ang katawan, pero hindi rin naman payat. May kalakihan ang eyeglasses na suot nito. His aura screams "bully me."

"Just hop in and tell me where you're going," sabi niya rito.

Nag-aalangan man ay sumakay na ito sa motor niya. Pinaandar niya na ang makina pero hindi pa rin pinatakbo ang motor.

"Hold on tight," sabi niya rito.

"W-Walang makapitan."

Umikot ang mga mata niya at siya na mismo ang kumuha ng mga kamay ni Wyatt para ipalibot sa bewang niya. Naramdaman niya ang paninigas ng katawan nito. Halatang nagulat sa ginawa niya.

"Relax, will you? It's not like I'm gonna fuck you," sabi niya rito. "Breathe."

"S-Sorry," nahihiyang sabi nito.

"Saan ka pupunta?" tanong niya rito.

"Sa Black Oblivion," mahinang sagot nito.

Tumaas ang kilay niya pero pinaandar na rin niya ang motor. Hindi na nito kailangang magbigay ng direksyon dahil alam niya ang lugar na 'yon. Isa sa mga bar na madalas nilang puntahan ni Linda. It's actually a nice and decent bar.

Tuwing bumibilis ang pagpapatakbo niya ay nararamdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Wyatt sa bewang niya. Pero agad din nitong niluluwagan ang kamay kapag binabagalan niya na.

Since naka-motor siya, hindi sila na-traffic. Around 15-20 minutes ay nasa labas na sila ng Black Oblivion.

Mabilis na bumaba si Wyatt nang maiparada niya ang motor sa vacant space ng parking lot. Hinubad agad nito ang helmet at nakayukong inabot 'yun sa kaniya.

"T-Thank you," nahihiyang sabi nito.

Umikot ang mga mata niya. "So, what are you doing here sa bar? Magpa-party ka?" tanong niya rito.

Napakamot ito sa batok at nag-iwas ng tingin. "Nagta-trabaho ako dito. Ume-ekstra ako sa iba't-ibang bar as a waiter or server."

Napatitig siya rito. So that's why madalas itong late sa pagpasok. Dahil kadalasan sa mga bars ay madaling araw magsara. At maaga ang pasok nila. Technically speaking, baka hindi na halos nakakatulog ang lalaki.

"You know what, you seemed familiar. Have we met before?" diretsong tanong na niya rito. Medyo hindi kasi siya pinapatahimik nang isiping iyon.

Kumunot ang noo niya nang magbaba ito ng tingin. Ang ayaw niya sa lahat ay 'yung kinakausap at hindi siya tinitingnan ng diretso. Pakiramdam niya ay hindi interesado ang kausap sa kahit anong sinasabi niya.

Naiinis na hinawakan niya ang baba nito at inangat para diretsong tingnan ito sa mga mata.

"Have we met before, Wyatt?" tanong niya ulit dito.

Safe Haven (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon