7

217 13 2
                                    




The whole ride was quiet. She did not attempt or try to speak dahil ayaw niyang lalong mapagalitan ng Mommy niya. Her Mom was already pissed enough, ayaw niya nang mas lalo pa itong galitin.

Wyatt is just sitting quietly at the back seat with her Dad. Siya naman ay nasa passenger seat. Ang Mommy niya naman kasi talaga ang madalas na mag-drive for them. Mas marami pa ngang alam ang Mommy niya sa mga kotse at motor compare sa Dad niya. Ultimong kotse ng Daddy niya ay ang Mommy pa niya ang pumili dahil walang kaalam-alam ang Dad niya sa mga sasakyan.

Nang makarating sa address na sinabi ni Wyatt, kumunot ang noo niya. Yeah, alam niyang hindi naman lahat ay lumaking may pribilehiyo sa buhay. Like her. Lumaki siyang maganda na ang estado ng buhay nila. Apparently, her Mom inherited a lot of money and properties from her Lolo Leon. She did not have the opportunity to meet him, pero ang sabi lang ng Daddy niya ay mahal na mahal ng Lolo Leon niya ang Mommy niya. That he saved them before. When she tried to ask about it, hindi naman na nagkukuwento ang parents niya. It's as if may mga alaalang ayaw nang balikan pa ng parents niya.

But her Lolo Evan called her Lolo Leon an ass. And that got him a punch in the face from her Mom.

"Dito na lang po," mahinang bulong ni Wyatt.

Huminto ang Mommy niya at iginilid ang kotse. Nilingon pa nito si Wyatt na ngayon ay binuksan na ang pinto ng sasakyan. Tinitigan niya ang isang lumang building. Tatlong palapag 'yon. At mukhang anytime rin ay guguho na.

Wala sa sariling lumabas din siya sa kotse. Hindi niya na lang pinansin ang pagtaas ng kilay ng Mommy niya. Lumabas na rin ang Daddy niya na palinga-linga sa paligid.

"Sa ganitong lugar rin ako nakatira noon," bahagyang nakangiting sabi ng Daddy niya.

Alam niya 'yon. Naikuwento na ng Tita Gemmalyn at Tita Georgina niya. Na mahirap nga lang ang mga ito noon. Na kinailangan pang lumayo ng Daddy niya para magtrabaho sa Maynila at may maipadalang matinong tulong sa pamilya nito.

"S-Salamat po, Sir. At sorry rin po sa nangyari," sabi ni Wyatt dito.

Nasa tapat lang sila ng building. Maraming tao sa paligid at halata ang tila curious na nga tingin ng mga ito sa kanila.

Her Mom got out of the car too. Salubong na ang mga kilay nito. Pinigilan niyang mapangisi nang mag-iwas ng tingin ang ibang tao sa paligid. She's too intimidating. Ang awra pa lang nito nakakatakot na.

"Carson's alone at home. It's getting late," sabi nito sa kanilang dalawa ng Daddy niya.

Hinarap niya si Wyatt at binigyan ito nang maliit na ngiti just to ease his mind. "Mauna na kami. Kita na lang sa class."

Tumango ito bago sumagot. "I-Ingat."

Kinawayan niya ito to say bye. Babalik na sana sila sa loob ng kotse nang makitang may lalaking nagmamadaling lumapit kay Wyatt. Hingal na hingal ito. Puno rin ng pag-aalala ang mukha.

"P're, 'yung mama mo..." hinihingal na bungad nito.

Kumunot ang noo ni Wyatt dito. "Ano? Ano'ng nangyari?"

"Kanina pa kita hinihintay! Si Aling Via, pinahakot ang gamit n'yo. Pinapalayas na kayo. Kani-kanina lang p're. Nandu'n 'yung Mama mo, nakikiusap pa. Ang tigas ni Aling Via."

Hindi na sila nilingon ni Wyatt at mabilis na sinundan ang lalaki. Probably to go to his Mother. Napabuga siya ng hangin.

Alanganing nilingon niya ang parents niya. Nakataas agad ang kilay ng Mommy niya pero hindi ito nagsasalita. Ang Daddy niya tuloy ang tiningnan niya.

Safe Haven (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon