10

215 12 3
                                    




When she went home, naabutan niya si Wyatt at ang kapatid niya sa sala. Nanunuod ang dalawa ng movie. Sumandal siya sa hamba ng pinto at pinagmasdan saglit ang mga 'to.

Nakatalikod ang mga ito sa kaniya kaya hindi pa siya nakikita nila Wyatt. They are watching Iron Man. Nagkukuwentuhan din ang mga ito habang nanunuod. Probably about the movie itself.

Her brother looked so at ease with Wyatt. Minsan naiisip niya na sabik din siguro ito sa male company bukod sa Daddy nila. Outnumbered kasi ang mga lalaki. Maging ang anak ng Ninang Grace at Ninong Dennis niya ay babae rin. Puro Tita lang din ang mayro'n sila.

Tahimik na lumapit siya sa dalawa. Mabilis namang napalingon ang mga ito sa kaniya nang umupo siya sa bakanteng couch.

"Hi, Ate. Bakit ngayon ka lang? Sa'n ka galing?" dire-diretsong tanong ng kapatid niya.

Hindi niya napigilan ang matawa. Carson is always like that. Masyadong protective ito sa kaniya kahit pa siya ang mas nakatatanda sa kanilang dalawa.

"Nag-catch up lang with a highschool friend, 'Tay," natatawang sagot niya sa tanong nito.

Tumayo siya sa couch at tumabi kay Wyatt bago kumuha sa popcorn na hawak nito. Ngayon ay napapagitnaan nila ni Carson si Wyatt na tahimik lang habang nanunuod.

"Kanina pa 'to nag-start?" Tukoy niya sa movie na pinapanuod ng mga 'to.

"Nangangalahati na," simpleng sagot ni Wyatt.

Nanatili na lang silang tatlo na tahimik habang nanunuod. May sariling bowl ng popcorn si Carson kaya siya lang ang nakiki-share kay Wyatt.

Dudukot na sana siya ulit ng popcorn ng kamay niya ang mahawakan nito. Nagkataong sabay silang kukuha. Nagmamadali itong nagbitaw ng kamay. Kunot ang noong tiningnan niya ito pero nag-iiwas lang ito ng tingin.

Napatikhim ito bago inabot ang popcorn sa kaniya at marahang tumayo. Nakaiwas pa rin ang paningin nito sa kaniya.

"Ah... mauna na ako. M-May pasok pa ako bukas," sabi nito.

Naningkit ang mga matang napatitig siya rito. Sinusubukang hulihin ang tingin nito pero masyadong mailap ang mga mata ni Wyatt. He was so used avoiding everyone's gazes.

"Ganu'n ba, kuya? Sige. Bukas na lang natin ituloy," sagot ng kapatid niya.

Ngumiti sa kanila si Wyatt bago umakyat sa kuwarto nito at ni Tita Mona.

Inilapag niya ang bowl ng popcorn sa center table at iniwan si Carson para sundan si Wyatt. Bago pa ito tuluyang makapasok sa kuwarto ay mabilis na hinila niya ito. Naguguluhang napatingin ito sa kaniya pero hindi niya ito pinansin at hinatak ito palabas ng terrace.







NANG makarating sa terrace ay saglit lang na nanatili silang tahimik. Umupo siya sa bakanteng upuan at itinuro ang isa pang upuan kay Wyatt. Telling him to sit on the chair.

"B-Bakit?" pagbasag nito sa katahimikan.

"May nahanap akong apartment. If interested kayo ni Tita, sasamahan ko kayo para makita n'yo 'yung itsura nu'ng apartment."

Ngumiti ito sa kaniya. "May nakita na rin ako kanina. I think perfect ang location kasi malapit sa mga bars and restaurants, puwede akong maghanap ng work. Tapos isang sakay lang siya papunta sa University."

She felt a little disappointed dahil hindi niya ito nasamahan kanina. Pero at least naman pala ay nakahanap na ito nang magandang malilipatan. Du'n kasi sa pinuntahan niya ay may kalayuan sa University, tapos ay malayo sa mga working areas. Maganda na rin 'yung lugar na nahanap ni Wyatt.

Safe Haven (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon