23

234 7 1
                                    



     SAGLIT na namayani lang ang katahimikan sa loob. Pinapakiramdaman nila ang isa't isa at kung ano'ng puwedeng sabihin o gawin. Honestly, mas gusto niyang lumabas para bigyan ng privacy ang pamilya nila Wyatt, pero ayaw siya nitong paalisin. At kung gusto nitong manatili siya sa tabi nito, walang makakapag-paalis sa kaniya ro'n. Kahit pa ipakaladkad siya palabas.

     Umupo si Senator Dela Cruz sa bakanteng upuan sa tabi ng kama ni Wyatt. Si Tita Mona ay katulad niyang nakapuwesto sa hospital bed ni Wyatt. Ang pinagkaiba lang ay hawak niya ang kamay ni Wyatt ng mga sandaling 'yon. And she's not letting go anytime soon.

     Nang tumikhim ang Senador ay natuon ang atensyon nila rito. Halatang medyo nahihiya ito at tila hindi alam ang dapat gawin o sabihin. Saglit itong huminga nang malalim bago binigyan nang maliit at malungkot na ngiti ang mag-ina.

     "I don't know where to start. Marami akong gustong sabihin at ipaliwanag, pero hindi ko na alam kung saan magsisimula," panimula nito. Nang walang umimik ay nagpatuloy na lang ito. "I'll just start by saying sorry. It's a long overdue apology, but I'm really sorry for not being there over those painful and hard years. I'm sorry."

     Naramdaman niya ang paghigpit nang hawak ni Wyatt sa kamay niya. Hindi rin nakatakas sa paningin niya ang pagkislap ng mata ng Mama nito. Nagbabadya nang pumatak ang mga luhang pilit pinipigilan ng mga sandaling 'yon.

     Hinarap ng Senador ang Mama ni Wyatt at malungkot ang tingin na ibinigay rito. "I'm sorry for what I did to you. For not telling the truth about my marriage. Nu'ng mga panahong 'yun takot na takot akong malaman mo ang nangyayaring kasunduan sa pamilya ko at ni Sabbina dahil ayaw kitang mawala sa akin. Mahal na mahal kita, Mona. Pero nagkamali ako. Hindi ka lang nawala, nasaktan ka rin. Nasira ang buhay mo. Nahirapan kayo ng anak natin dahil sa kagagawan ko."

     Nakagat niya ang ibabang labi nang lumapit ang Mama ni Wyatt dito at hinawakan ang kamay nito. Binigyan din nito nang isang maliit na ngiti ang Senador. Doon na tuluyang umiyak si Senator Dela Cruz. Walang pag-aalinlangang niyakap ito ng Mama ni Wyatt.

     "I forgive you. Noon pa kita napatawad," masuyong sabi ni Tita Mona rito.

     Napatingin siya kay Wyatt na ngayon ay nangingilid na rin ang kuha sa mga mata habang pinapanuod ang mga magulang nito. Kaya tumabi siya rito at patagilid itong niyakap. Kusang gumalaw rin ang mga braso nitong ikinulong siya sa bisig nito.

     "Hiyang-hiya na ako sa nangyayari. H-Hindi ko na alam kung paano ko pa maitatama ang mga pagkakamali ko. Ang dami nang nasira. Sabbina couldn't take the shame and pain anymore that she overdosed herself with sleeping pills. Galit na galit si Jordan nang mamatay ang Mommy niya at hindi ko na alam ang dapat gawin. Kasi kasalanan ko yata talaga 'to lahat. Sa akin nagsimula. Sa kasinungalingan ko."

     At the mention of Jordan's name, nag-init agad ang ulo niya. Hinding-hindi niya makakalimutan kung paanong pinagtangkaan nitong patayin siya. Kung paanong nandito sa sitwasyon na ito si Wyatt ngayon dahil sa makitid na utak ng Jordan na 'yon.

     "I-Ikaw ang dahilan noon kaya pumayag si Mama na lumuwas kami sa Maynila kahit tahimik na ang buhay namin sa probinsya. K-Kasi gusto kitang makilala. Gusto kong kilalanin mo ako. Gusto kong makasama ka kahit saglit lang kasi nangangarap pa rin ako noon na kapag nakita mo ako ay yayakapin mo ako nang mahigpit. Pero itinago mo ako. H-Hindi mo 'ko binigyan ng pagkakataon na kilalanin ka. Gusto ko lang namang maramdaman na may Tatay ako, pero puro sakit 'yung pinaramdam n'yo sa'min ng pamilya mo."

     Napalunok siya nang makitang tuluyan nang bumagsak ang luha ni Wyatt. Pinilit pa nitong punasan 'yon pero patuloy lang din ang pag-agos ng mga luha nito. She just held him tighter.

Safe Haven (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon