15

199 12 1
                                    




"Can we talk, anak?" nag-aalangang tanong ng Daddy niya.

Ito ngayon ang kasama niya. Pinauwi nito ang Mommy niya just to cool things off between them.

"Yes, Dad. Tungkol po ba sa'n?" tanong niya rito.

Umupo siya at sumandal sa headboard ng hospital bed. Inalalayan pa siya ng Daddy niya para maka-upo siya nang maayos. He even put a pillow at her back para hindi masaktan ang likod niya. Pagkatapos siya nitong asikasuhin ay umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ng kama niya.

"Alam mong mahal na mahal kita, 'di ba?" tanong nito.

Kumunot ang noo niya. "Of course, Dad."

Ngumiti ito sa kaniya. "Alam mo ring mahal na mahal ka ng kapatid mo, 'di ba?" tanong pa ulit nito.

Tumango siya bilang sagot kaya nagpatuloy lang ang Daddy niya. "Alam mo ring mahal na mahal ka ng Lolo at Lola mo, right? Pati ng Tita Georgina and Tita Gemmalyn mo."

She doesn't know where he's getting at. "Yes, Dad. I know."

Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan 'yon. "Mahal na mahal ka namin, Azalea. Mahal na mahal kita. Pero alam mo ba kung sino ang mas nagmamahal sa'yo nang sobra?"

Nag-iwas siya ng tingin at napalunok. Now she knew where her Dad is going at this.

"Your Mom, Azalea. Mahal na mahal na mahal kita. Kayo ni Carson. But your Mom's love for you is beyond comparison," bahagyang nakangiti pang sabi nito.

Napalunok siya pero pilit na pinipigilan ang maiyak. "D-Dad---" pero hindi niya na natapos ang sasabihin dahil nagpatuloy lang ito.

"Don't hate her, Azalea. Lahat nang ginagawa niya ay para sa iyo. Sa inyo ng kapatid mo."

Napabuntong-hininga siya. "I don't hate Mom, Dad. I'm hurt. But I don't hate her. I love her too. Nagtatampo lang ako because she don't trust me enough to make my own decisions."

Masuyong hinaplos nito ang kamay niya. "Your Mom will literally die for you. Nu'ng ipinagbubuntis ka pa lang niya, may mga nangyayari na noon sa amin. It almost cost your life, but she fought so hard for you. She will trade her life just to keep you alive. At alam mo kung ano ang nakikita ko?"

Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya alam ang tungkol do'n. No one told her. "A-Ano po?"

Bahagyang ngumiti ang Daddy niya. "Nakikita niya ang sarili niya sa'yo. Because you're exactly heading that way. Parehong-pareho kayo ng Mommy mo. Risking herself for the person that she loves."

Natigilan siya sa sinabi nito. Her Dad looked her straight in the eyes. "You are exactly just like her, Azalea. You might not realize it earlier, pero you're not just doing all of these just to help that guy. Your heart was involved from the very beginning. Your Mom risk it all for me. You're doing it right now. At ayaw niyang pagdaanan mo lahat nang pinagdaanan niya, Azalea. Kasi kung puwedeng 'wag kang masaktan, gagawin niya. Ganu'n ka niya kamahal."

Tuluyan nang tumulo ang luha niya. "I-I know that she loves me. I love her more for protecting me. But how can I fly if you're just going to let me live on a cage. Just because you're afraid someone might hurt me. Hindi ako takot masaktan at magkamali kasi alam kong nandiyan kayo, eh. Alam kong kapag naputol ang pakpak ko sasaluhin n'yo 'ko. Alam kong kapag sugatan ako ay gagamutin n'yo 'ko. I'm not scared that life will fuck me up because I have you, guys. Now, kung kailan mas kailangan ko ang suporta at tiwala n'yo, tsaka kayo hindi naniniwala sa akin."

Tumayo ang Daddy niya at niyakap siya. Yumapos din siya rito at umiyak sa balikat nito. "I just told you those things para maintindihan mo ang Mommy mo. I'll talk to your Mom too. But you have to understand her either. She's a mother, Azalea. At ang basic instinct ng Mommy mo is to protect you at any all cost. She means well."

"I know, Dad. I don't hate her. Masakit lang kasi hindi lang din naman ako ang nasaktan. Ano na lang ang nararamdaman ni Wyatt ngayon? Ni Tita Mona?"

"Hush now, love. We'll figure this out. But for now, just rest. Magpagaling ka na. Para mas maging maganda ang mood ng Mommy."

Tumango na lang siya sa sinabi nito. She was too tired and an too much pain, both physically and emotionally.

"Thank you, Dad. I love you so much too."

"I love you more."







SHE spent another week resting. Nakalabas naman na siya sa ospital pero pinag-bed rest siya ng parents niya. For complete and total healing, as they put it.

She didn't miss a lot on classes dahil during that week, palaging bumibisita si Marianne sa kaniya. Informing her about the lessons or projects and assignments nila. She was allowed to take the quizzes that she missed once na makabalik na siya sa University. Dahil reasonable naman ang excuse niya.

She tried texting Wyatt these past few days, pero kahit isa sa mga texts niya ay hindi nito nireplyan. Si Marianne na lang ang taga-balita sa kaniya. Na-suspend pala last week si Wyatt dahil sa ginawa nito kay Jordan. Kakalabas niya lang ng ospital no'n. One week suspension. That means, this is the last day na suspended na ito.

Three weeks na lang din ay matatapos na ang first year nila. Next enrollment, second year college na sila. Masyadong mabilis ang panahon. Hindi na lang nila mamamalayan, graduate na sila.

Bigla niya tuloy naalala na itong semester na ang huli na scholar pa rin ito. Next sem, she wondered what will happen to Wyatt?

"Linda? Can you do me a favor?" tanong niya sa bestfriend niya. Nakahiga sila pareho sa kama niya ngayon.

"Kinakabahan agad ako," biro nito.

"Tulungan mo 'kong makausap si Wyatt," sabi niya rito.

Nanlaki ang mata nito ay mabilis na umiling. "No way, girl. Baka balatan ako ng buhay ng Mommy mo," eksaheradong sagot nito.

Umikot ang mga mata niya. "Just pretend we're going on a park or something. I just really need to talk to him."

"Gaga ka ba? Ayaw ko nga! Baka pati ako hindi na palapitin sa'yo kapag nahuli tayo! Sino na lang makakasama ko sa bar?"

Pabirong hinampas niya ito ng unan. "Kapag 'di mo 'ko tinulungan, hindi pa rin kita sasamahan sa bar."

Sumeryoso na ang mukha nito at napakagat pa sa ibabang labi. "I don't know, Azalea. 'Yan kasing nangyari sa'yo, hindi na biro 'yan eh."

Huminga siya nang malalim at bagsak ang balikat na tumingala sa kisame. "Yeah. You're right. That's so selfish of me to ask from you. Sorry," bahagyang nakangiting sabi niya pa rito.

She doesn't want her bestfriend to be in trouble too.

Kagat ang labing tila nag-iisip ito. "Argh! Fine! I'll help you na! Bahala na!"

Malaki ang ngiting niyakap niya ito. "Thank you!"

Ilang saglit pa na nagkuwentuhan lang sila. Hanggang sa tahimik na lang sila at busy sa kaniya-kaniyang phone. She was playing a game on her phone while Linda's on social medias again.

"OMG, Azalea!" nanlalaki ang mga mata na sabi nito. Nakatitig ito sa phone at may binabasa.

"What?" kunot-noong tanong niya rito. Naka-pause na rin ang nilalaro niya.

Inabot nito ang phone sa kaniya. Kahit siya ay nanlaki ang mga mata sa nabasa.

BREAKING NEWS: Today, the only child of Senator Dela Cruz was in a road accident. Jordan Dela Cruz was about to get hit by a car but he jumped away to save his life. He's now recovering in Saint Luke's Hospital.

Nagkatinginan sila ni Linda.

"Mabilis lang pala talaga ang karma," balewalang sabi nito.

Samantalang siya ay malalim na ang iniisip. Karma? What happened to her happened exactly to him.

She wanted to believe that karma has finally paid him a visit, pero ngayong araw kasi ay nagpaalam din ang Mommy niya na may importanteng gagawin. Kaya nga nandito si Linda. Hindi rin nito sinabi kung ano'ng gagawin nito.

She wondered if karma really visited Jordan... or is it her Mom?



-----

Safe Haven (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon