EPILOGUE

383 20 5
                                    




Two lines. Positive.

Napangiti siya habang nakatitig sa pregnancy test na hawak niya. For all the bad things she went through, ito na yata ang pinakamagandang nangyari sa kaniya.

Napalingon siya sa pinto nang marinig ang mahinang pagkatok doon.

"Okay ka lang? I heard you vomitting," nag-aalalang wika ni Wyatt sa labas.

Mabilis siyang nagmumog. "Yeah. I'm fine," nakangiting sagot niya rito nang buksan niya na ang pinto.

Nakita pa rin niya ang pag-aalala sa mukha nito. Kaya nilapitan niya ito at ipinalibot ang mga braso sa batok nito. Tumingkayad siya at masuyong hinalikan ang labi nito.

"I'm really fine, love. May nakain lang ako," nakangiting sagot niya rito.

Nag-aalangan man ay napabuntong-hininga na lamang ito. She badly wanted to tell him now that she's pregnant, pero mas gusto niyang itago muna rito ang tungkol do'n. After all, two days from now ay birthday na nito. They are having a family dinner.

Her family and his.

Masuyong hinaplos niya ang pisngi nito at inilapit ang mukha nito sa kaniya para mahalikan ito ulit. Nang maghiwalay ang mga labi nila matapos ang isang mainit na halik, diretso niya itong tiningnan sa mga mata.

Almost three years ago, they've been kidnapped. Pareho na silang muntik mamatay. She almost went nuts because of the trauma. Halos mabaliw siya sa takot at guilt dahil sa pagkakapatay niya sa isang kidnapper nila ni Wyatt.

She has to see a psychologist for a year dahil pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng ulo. But she pulled through.

Nagkaroon din nang matinding trauma si Wyatt. Hindi lang psychologist ang kinailangang kitain nito noon. He even had to see a therapist dahil sa mga injuries na nakuha nito noon.

Together, they made it. With the help of their families, at sa tulong ng isa't isa, nalabanan nila ang mga madidilim na bahagi ng buhay nila na gumugulo sa mga panaginip nila.

And for more than a year, magkasama na sila ni Wyatt. They are living together like what they originally planned. Na-delay lang dahil sa mga nangyari sa kanila.

Sadly, hindi nila nakuha ang hustisya na gusto nila. Wyatt's Dad committed suicide. After pumutok ang mga balita sa ginawa nitong mga krimen, sa pagpatay sa sarili nitong asawa at ibang mga tao. Sa pagpapadala sa anak nitong si Jordan sa isang mental institution. Sa pagdukot sa kanila ni Wyatt at pagtangkang pagpatay.

Nagkaroon ng mga sapat na ebidensya at testigo para masampahan ng kaso at maidiin ito sa mga naging krimen nito. Pero bago pa ito madakip ng mga Pulis sa sarili nitong tahanan, nagpakamatay ito. He'd rather die than live in shame. Mas ginusto na nitong mamatay kaysa harapin ang mga pagkakamali.

Mas gusto niyang mabulok ito sa kulungan at magdusa sa mahabang panahon. Mas gusto niyang maramdaman nito ang pagbagsak at pagkaguho ng mga sarili nitong ambisyon. Pero siguro nga ay mas maigi na rin ang nangyari. Dahil tsaka lang sila nakatulog nang mahimbing ni Wyatt nang malamang patay na ito.

Hindi man 'yon ang hustisyang gusto niya, mas maganda na rin sigurong gano'n ang nangyari.

Sa ngayon, nagkaroon na nang magandang relasyon ang magkapatid. Si Wyatt at Jordan. Lalo't pareho nilang nalaman na lahat ng mga nangyari ay hindi nila kasalanan. Their father was a cheater. At ang malala, ni hindi alam sa side ng tatay nila na may Wyatt pala na nag-e-exist sa mundo. Itinago talaga nito sila Wyatt sa mundo dahil pakiramdam nito ay madudumihan ang pangalan niya kapag lumantad sa publiko ang mag-ina.

Safe Haven (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon