18

202 10 0
                                    





Masayang ngumingiti at nagpapasalamat siya sa mga taong bumabati at pumupuri sa artworks niya. There really is no satisfying reward kaysa makitang na-a-appreciate ng mga tao ang masterpieces niya. Because she love what she's doing.

Five years ago, she never imagined that she'll be having her own art exhibits. Pero ngayon, halos lahat ng mga paintings na ginagawa niya ay nabibili sa bawat exhibit niya.

Five years. Ganu'n na pala katagal. Kailan lang ay sobrang struggle pa siya sa pagkukumahog sa exams, projects, thesis and social life. Pero heto siya ngayon, malayo na sa Azalea noon. All thanks to her family and friends for supporting her and pushing her to be someone better.

Don't get her wrong. Trouble still follows her. Pero normal naman na sa kaniya 'yon. Lalo na kapag may mga mayakis talaga sa bar na hindi makaintindi na nandu'n siya at ang mga kaibigan niya hindi para lumandi, kundi para magliwaliw lang.

She's now turning twenty four. Who would have thought na ang freshman sa Malayan University na eighteen years old na Azalea noon, paid artist na ngayon. Sure, hindi pa naman siya sobrang big time. But she's already earning enough.

"Bar later?" tanong ni Linda sa kaniya.

Today, the exhibit ended well again. More than half of her artworks are already sold. She's satisfied with the result again. Because half of her earnings, dino-donate niya sa free artclass para sa mga gusto at may passion sa arts pero walang kakayanang bumili ng art materials.

At si Marianne ang madalas na nagtuturo doon. Medyo dumarami na ang mga batang tinuturuan nito kaya sa tingin niya ay kailangan na nila ng panibagong volunteer. She'll think about that later. Sa ngayon, she'll celebrate with Linda.

"Sure. Just let me close the studio first," sabi niya rito.

Naunang lumabas si Linda. Doon na ito naghintay habang hinihintay siyang isara ang sariling art studio niya. Courtesy of her supportive parents, of course. At mahal na mahal niya ang studio niya. Because she can be herself inside this room.

Out of the corner of her eyes, she saw the sketchpad Wyatt left for her. The exact same day he broke her heart. Apparently, he went to their home nang hindi siya nito naabutan nang sunduin siya ni Alec sa apartment building nito years ago.

Nagulat pa siya nang sunduin siya ng parents niya that time. Pinatay niya kasi ang phone niya no'n. Wyatt came to their house to warn her parents about a death threat. Kaya nagmadali na itong umalis at ang Mama nito. Ni hindi niya na natapos ang natitirang ilang linggo sa semester na 'yon. She never saw him since then.

She just looked at the sketchpad and sigh. Ilang taon na sa kaniya ang sketchpad na 'yon, pero hanggang ngayon ay hindi pa niya tinitingnan ang laman no'n. She tried to throw it away too, but she ended getting it from the garbage can. She doesn't have the heart to trash it.

Kaya iniwan niya na lang sa art studio niya. Nakatago sa mata ng ibang mga tao.

She closed her eyes and breathe. That was years ago. After nawala nila Wyatt, hindi na rin siya ginulo nila Jordan at ng Mommy nito. She actually live in peace. Hindi siya maya't-mayang lumilingon sa likuran dahil baka may sumusunod na naman sa kaniya.

But she still hate Wyatt for it. For not giving her a say in the matter. For not letting her make her own decision. He jist decided to cut her off his life.

Well, she's tougher now. All thanks to him.







SHE went home tipsy. Hindi siya masyadong uminom nang marami dahil nagda-drive siya pauwi. She still live in her parents house, because well, she's still single, wala pa namang rason para mag-move out. Lalo kung mamumuhay lang siyang mag-isa. She'll miss them so much lalo kung mag-isa lang din naman siya kung hihiwalay siya. Dumiretso siya sa kusina at uminom ng isang basong tubig.

Pag-akyat niya papunta sa kuwarto niya ay dumiretso kaagad siya sa CR at nag-half bath. Medyo nahimasmasan na siya nang matapos. She brushed her teeth before she went out of the bathroom just wearing nothing but towel. Kinuha niya ang may kalakihang shirt at underwear sa closet niya at nagbihis. Sa pagod ay hindi niya na ibinalik sa CR ang tuwalya, isinampay niya na lang ito sa upuan sa desk niya bago pa-dive na bumagsak sa kama.

This is her normal life. Kapag nasa mood or may mga projects na dapat tapusin, magpe-paint siya from morning hanggang afternoon. Some nights ay lalabas sila ni Linda or Marianne. Minsan naman ay magkakasama silang tatlo.

Linda's engaged now with her long-time boyfriend. Marianne's currently on a dating status. She's proud of her two real friends. Kasi malayo na rin ang narating ng mga ito. Linda's a chemist now, samantalang si Marianne ay gumagawa na rin nang sariling pangalan sa art industry.

And speaking of Marianne. She'll try to talk to her tomorrow about having a new volunteer. Masyado na kasing marami ang mga bata para i-handle ni Marianne mag-isa every weekdays. Kahit pa sabihing three to four hours lang ang session. That's still a lot of stress. Tapos they are doing this for free. Kaya medyo mahirap makahanap ng volunteer kasi wala na ngang bayad, minsan ay kailangang sila pa ang maglabas ng pera. Lalo kung walang enough na sponsors. At dahil kakasimula pa lang nila, most of the sponsors are people they knew personally. For example ang family niya and family ni Marianne.

For now, matutulog siya nang mahimbing. Ilang gabi siyang napuyat para tapusin ang ilang artworks niya. Ngayong tapos na ang exhibit, matutulog siya. Dahil sa susunod na exhibit, kapag nagsimula na siya, for sure kulang na naman siya sa tulog.

Please, god of sleep, kung meron man no'n. Let me sleep for more than eight hours!







"YOU'RE right. We need another volunteer. At least twice sa weekdays sa'kin. Twice sa kaniya. And puwede ka mag-one day para makumpleto natin ang buong weekdays. Medyo nahihirapan na rin talaga 'ko, Azalea," seryosong sabi ni Marianne.

She just told her about her plan. At kagaya nga ng naiisip niya, na-i-stress na rin ito.

"As soon as possible maghahanap na tayo. Paano ba ang gagawin natin? Publicized it? Social medias? Or personal na mag-invite? Hindi talaga ako magaling sa socializing na 'yan," kunot-noong sagot niya.

Kaya nga hindi siya nagtuturo sa mga bata. She was not good with socializing. Pero she can do that one day teaching per week. It's just for three to four hours, anyway.

"Try natin mag-ask sa barangay officials. Tutal community service naman itong ginagawa natin. Maybe they could help? Baka may ma-suggest sila?"

Nag-isip siya saglit. That's not a bad idea. At least hindi na sila masyadong mag-iisip at ma-i-stress kakahanap ng isa pang volunteer. Kumbaga ang officials na sa komunidad kung sa'n nakatayo ang The heART ang tutulong sa kanila.

"Okay. Puwede nating gawin 'yun," pagsang-ayon niya.

"I'll try to contact the officials later. Para makahanap sila agad ng volunteer as soon as possible," nakangiting sagot nito.

Tumango-tango siya rito. "But tell them to make it clear that what we are doing is free. Mahirap na 'yung mag-expect ng bayad 'yung tao."

Natawa si Marianne sa sinabi niya. "Noted, girl."

She smiled inwardly to herself. This is life. Malayo sa drama. Malayo sa problema. Malayo sa gulo.

She'll do everything in her power to keep this peace inside her.



-----

Safe Haven (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon