6

242 12 1
                                    




The moment they entered the bar, maingay na sa loob. Some people are already dancing. Ang iba nga ay mukhang mga lasing na. Well, hindi na bago sa kaniya ang gano'ng eksena.

Mabilis naman nilang nahanap ang table na pina-reserve nila. Nasa second floor iyon at nasa mas tagong puwesto ng bar. They are here to have fun, hindi para makisalamuha sa ibang tao.

They just wanted to unwind and celebrate dahil maganda ang results ng exams nila.

Nang maka-upo sila ay agad siyang napalinga sa paligid. She was looking for Wyatt simula nang pumasok sila sa bar, pero hindi niya ito makita. Kaya nang may lumapit na waiter sa kanila ay tinanong niya ito kaagad.

"Is Wyatt working tonight?" diretsong tanong niya rito.

Hindi niya na pinansin ang pagtaas ng kilay ni Linda. Si Marianne naman ay napailing na lang. Parang ine-expect na nito ang ginawa niya.

"Ah, yes. Pero ni-reserve na siya as server ng isang special guest sa bar na 'to, Ma'am," sagot nito.

Kumunot ang noo niya. "Special guest?"

Tumango-tango ito. "'Yung anak po ng Senador, Ma'am. At 'yung mga kaibigan niya."

Shit! Nanlaki ang mga mata niya. Nagkatinginan silang tatlo. Linda and Marianne knew about that Jordan guy. Ang anak ng Senador na mukhang hindi matino ang takbo ng utak. That or he's just simply spoiled rotten.

Mabilis na tumayo siya. "Nasa'n ang table nila?" tanong niya rito.

Napakamot ito ng ulo. "Ma'am, papagalitan po ako. Waiter lang ako," sagot nito.

Umikot ang mga mata niya. "Hindi ko sasabihing ikaw ang nagsabi."

Tumingin pa ito kayla Marianne at Linda. As if asking for help. But her friends knew better. No one's going to change her mind. Lalo na kapag desidido na siya.

"I'll pay you." Pagkasabi no'n ay kumuha siya ng two thousand sa wallet niya at inabot 'yun dito.

Napakagat ito ng labi habang nakatingin sa pera. Halatang malalim na nag-iisip.

"Hindi mo sasabihin na ako ang nagsabi?" paninigurado nito.

Umikot ang mga mata niya sa inis. Kakasabi niya lang na hindi, ipapaulit na naman sa kaniya. "We won't tell a single soul. Now tell me, nasa'n sila?"

Ibinulsa nito ang pera. He licked his lips, obviously thinking kung tama ba ang ginagawa. Pero dahil tinanggap na ang pera, he still told her.

"Sa first floor, VIP space, Ma'am."

After nitong umalis ay hinarap niya si Marianne at Linda. Their arms are crossed. Nakataas din ang mga kilay nito habang nakatingin sa kaniya.

"I'm telling you, Azalea. Your parent would be so pissed!" paalala ni Linda.

Napabuga siya ng hangin. Alam niya naman 'yun. Pero alam din niyang maiintindihan ng parents niya.

"And who knew what those spoiled bullies would do? Walang kinakatakutan ang mga 'yon!" tila natatakot namang sabi ni Marianne.

Ngumisi siya. "Well, it's not too late to give them something to be afraid of. I'm tired of those sick bastards. I think it's time for them to have a taste of their own medicine."

Kapag nakita niya na may galos o sugat si Wyatt dahil sa mga ito ngayon, kahit gaano kalaki o kaliit 'yun, sisiguraduhin niyang they'll fucking swallow her fists. At mamarkahan niya ng sapatos ang mukha ng mga ito.

Safe Haven (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon