16

208 12 0
                                    




Have you ever wished na sana ay hindi mo na lang pinairal ang curiousity mo? Because when you got an answer, mas maraming tanong din ang kasunod no'n.

The people around her always gave her an impression that her Mom was not just an ordinary girl. Ang pagkakaintindi niya noon ay dahil lang sa taglay na natural na katapangan nito. Or dahil natural na magaling ito sa ilang mga bagay na hindi normal para sa karamihan.

So, when she waited that night para makausap ang Mommy niya, ganu'n na lang ang gulat niya nang palihim na marinig ang usapan ng parents niya. Her Dad sounded so disappointed. Bigla niyang naalala ang ilang pinag-usapan ng parents niya.


"I told you not to do anything rush, Iris."

"What do you want me to do then? Hayaan lang sila? Our daughter went on a coma! Nasaktan ang anak ko! Tapos ang gusto mo ay manahimik lang ako?!"

"Hindi ganu'n ang ibig kong sabihin. But we can at least be a much better person than they are."

"Hell, no. You knew from the start na hindi ako kasing bait mo, Greg. They deserve that."


Alam niyang may kinalaman sa nangyari kay Jordan ang pinag-uusapan ng parents niya. Kung nakaramdam ba siya ng simpatya sa mag-ina? No. Dinanas niya ang nangyari kay Jordan. Naramdaman din ng Mommy niya ang nararamdaman ng Sabbina na 'yon ngayon.

Fair and square. Sabi nga ng isang kasabihan, 'wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa'yo. Kung nalaman ng Mom niya na sila Jordan nga talaga ang gumawa no'n sa kaniya, then they deserve every single pain too. She's not a saint. She's nice, but not to the point na hahayaan niya lang ang mga abusadong tao.

She love her Dad, pero sa mga ganitong prinsipyo sa buhay, mas sang-ayon siya sa Mommy niya. Some people deserves a punch than forgiveness. Kagaya nila Jordan at nanay nitong si Sabbina.

Siguro naman ay matututo na ang mga ito ngayon? Pero kung hindi pa rin, saksakan na ito ng tanga.







"AHHH, Tita Iris, puwede ko po bang yayaing lumabas ngayon si Azalea?" kabadong tanong ni Linda.

Pinandilatan niya ito ng mata. Paano ay masyadong halata na kabado ito. Hindi naman sila gagawa ng ilegal na gawain. Parang pinagpapawisan na ito nang malagkit.

"Sa'n kayo pupunta?" tanong ng Mommy niya.

Bumuntong-hininga siya at siya na ang humarap dito. Sa sobrang nerbiyos ni Linda ay baka kung ano pa ang masabi nito sa Mommy niya. The last thing she wanted ay ang pagbawalan na naman siya nito at magtalo na naman sila. Naiintindihan niya ang Mommy niya, lalo na nang paliwanagan siya ng Daddy niya. But she has to do this. Hindi siya mapapayapa kung hindi niya makakausap nang maayos si Wyatt. She has to make sure na sa loob ng ilang linggo na hindi niya ito nakita ay nasa maayos lang ito na kalagayan.

"Ako ang nagyaya kay Linda na samahan ako sa labas, Mom. Be it sa park or mall. I just can't stand being cooped up inside the house anymore. This is so not me," paliwanag niya rito.

Pinakatitigan siya nito saglit bago napabuntong-hininga. "Okay. Just be sure to inform me kapag may nararamdaman kang kakaiba. Stay away from trouble, Azalea."

Nakangiting tumango siya rito bago ito niyakap. "Thanks, Mom."

"I-I guess your Dad is right. You're old enough to make your own decisions, kahit pa hindi ko gusto ang mga desisyon mo sa buhay. Know that I will always be here, love. Mom will always be here for you."







Safe Haven (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon