11

214 11 1
                                    





Mabilis lang namang nakapaghakot sila Wyatt. Wala naman sila masyadong mga gamit kaya nang maglilipat na ang mga 'to ay hindi na ganu'ng kahirap. Nagpahanda pa nga ang parents niya ng kaunting salu-salo para kayla Wyatt.

Paulit-ulit siyang pinasalamatan ni Tita Mona. Mostly ay para sa pagtatanggol niya kay Wyatt. After thanking her parents for one last time, nagpaalam na ang mga ito.

Suddenly, parang tumahimik sa bahay nila. Nitong mga nagdaang araw kasi na nakituloy sa kanila ang mga ito, medyo nasanay na siyang umuwi na kasabay si Wyatt, tapos ay madadatnan ang mga parents nila na nag-uusap.

She also got used with seeing Wyatt and Carson together. Kung hindi nanunuod ng movies ang dalawa, naglalaro naman ng playstation ang dalawa. Ang playstation na birthday gift ng parents nila kay Carson. He is responsible already kaya alam nila na hindi maaadik sa games si Carson. Mas inuuna pa rin nitong mag-aral kapag may quizzes or exams.

"Wala na 'yung ka-Marvel and Avengers buddy ko," medyo natatawa pang sabi ni Carson.

Nakatambay silang dalawa ngayon sa kuwarto nito. Ngayon ay sa laptop na ito nanunuod, hindi sa sala kagaya nu'ng kasama nito si Wyatt.

Ginulo niya ang buhok nito. "Nandito naman ako ah."

Umikot ang mga mata nito bago sumagot. "The last time na nanuod tayo sabi mo employee lang ni Tony Stark si Ironman."

Bahagya siyang natawa sa sinabi nito. Malay ba niya sa mga Marvel at Avengers na kinababaliwan ng kapatid niya. Mahilig siyang manuod ng movies, pero not to the point na imine-memorize na lahat ng details.

"Malay ko bang si Tony Stark si Ironman!" natatawang sagot niya.

Natawa na lang din si Carson sa sinabi niya. Napangiti siya sa kapatid nang isara nito ang laptop. As if hindi na interesado pang manuod at mas gusto na lang makipagkuwentuhan sa kaniya.

"I like him, Ate. I like Kuya Wyatt. He's a good guy," nakangiting sabi nito.

Malambing na pinisil niya ang pisngi nito at pinanggigilan 'yon.

"Tanggap kita kahit ano ka pa," nakangising sabi niya rito.

Sumimangot ito at tinapik ang kamay niya. "That's not what I meant!"

Natawa na siya nang tuluyan sa itsura nito. "I know," nakangising sagot niya rito. "I like him too."







AT DAHIL wala silang klase kinabukasan, they decided to have a family night. Nasa sala sila ngayon at nanunuod ng movies. Her Dad ordered three boxes of pizzas, four large McDonald's fries and four cheeseburgers. May popcorn din sila.

Nang matapos ang pinapanuod ay mga alas-onse pa lang ng gabi kaya nanuod na lang sila ng mga availabe pang local tv shows. Pare-pareho silang hindi mahihilig sa mga teleserye kaya hindi na rin sila naghanap ng ibang channel. Nanatili na lang sila sa mga Documentary shows ng isang tv station. Whis is really good.

During commercial, nangunot ang noo niya dahil sa isang breaking news. It was the Senator himself. Ang tatay ni Jordan. Ini-interview ito. The show was not live so baka kanina pang umaga ang interview at ipapalabas lang ulit during midnight news.


"Senator, ano po'ng masasabi mo tungkol sa kumakalat na balita na may anak daw po kayo sa labas? Totoo po ba 'yon?" tanong ng isang reporter.

"No. Of course not. Kami lang ng anak ko ang pamilya ng asawa ko," sagot ng asawa ng senator.

"May mga bali-balita po kasi noon na may iba ka pong babae? Tingin n'yo po ba ay strategy lang ito ng mga gustong sumira sa imahe mo?"

"Walang kinalaman sa trabaho ng asawa ko ang mga itinatanong n'yo. And anyway, I repeat, kami lang ang pamilya ng asawa ko. Hindi niya na kailangang sagutin 'yang mga ganyang klase ng tanong. At isa pa, who ever tried to break my family, I will break them to pieces too."


Doon na natapos ang maikling interview. Hindi na nakasagot ang Senador dahil ang asawa na nito ang nagtanggol sa pangalan nito. Sa pagkakaalam niya, tatakbong vice-president ang senador na 'yun sa susunod na eleksyon. Kaya hindi na siya nagtataka na ganu'ng mga klaseng balita ang inilalabas patungkol sa mga politicians.

Anyway, who cares if may anak ito sa labas o ibang babae? 'Yun pa ba ang pagtutuunan ng pansin ng mga tao kaysa sa mga walang pakundangang mangurakot? At isa pa, wala siyang pakialam sa buhay nito lalo na kung pamilya nito ang kampon ng kadiliman na si Jordan. Nagdidilim din tuloy ang paningin niya.

After the documentary show, she kissed her parents goodnight at dumiretso na kaagad sa kuwarto niya.

Iniisip niyang bisitahin sila Wyatt. Just to make sure they are settling okay. With that thought in her mind, she closed her eyes and drifted off to dreamland.







SHE stopped in front of a small appartment building. Tama nga ang sinabi ni Wyatt, tabi-tabi ang mga establishments na nadaanan niya. Marami ngang restaurants and bars na malapit dito. Pati ang University nila ay malapit lang din.

Wyatt told her na nasa second floor ang inuupahan nila. Last door to the right. Kada-floor ay may apat na pintuan lang. Dalawa sa kanan, dalawa rin sa kaliwa. Hanggang third floor lang ang building at maayos din naman ang itsura no'n. Mukhang medyo bago rin naman ang building.

Dalawang beses siyang kumatok bago may nagbukas ng pinto. Ang nakangiting mukha kaagad ng Mama ni Wyatt ang nabungaran niya.

When Tita Mona hugged her, she couldn't help but smile. Nasanay na siya na ang tingin sa kaniya ng ibang nanay ay wala siyang magandang gagawin. Hindi niya rin masisi ang mga ito. Aside from mapili siya sa mga kinakaibigan, some parents just wanted to do nothing with her. Lalo na kung pakiramdam ng mga ito ay magiging bad influence lang siya.

And Tita Mona just proved why Wyatt is a good person. Because she's a good mother.

Sa kabila ng mga gulong napasok niya, sa mga nalaman nito tungkol sa kaniya, wala siyang narinig na masama mula rito. She never looked at her with disgust.

Like Alec's mother. Kung tingnan siya ay para siyang may sakit na makakahawa sa pinakamamahal nitong anak. Kahit ang magulang ni Simone ay pinagsabihan ito na kung ayaw nitong maging babaeng pariwara, 'wag itong dumikit-dikit sa kaniya. Yes, they told Simone that. Just because nagpupunta siya ng bar.

Ano ba ang basehan ng mga tao sa pagiging pariwara? Nagpupunta siya ng bar to loosen up and unwind. Hindi para sirain ang buhay niya. Sumasama lang siya sa mga taong pinagkakatiwalaan niya. And most of the time ay si Linda lang ang kasama niya.

Well, bahala ang mga ito. Malaya silang magbigay ng komento sa kaniya. But she doesn't give a flying fuck. Malaki ang tiwala sa kaniya ng parents niya, that should mean something. Pero ang mga pangit lang ang nakikita ng mga tao. Puro 'yung gulo lang ang tumatanim sa isipan ng mga ito. How about asking her kung bakit siya nanununtok? She wasn't just going to sit around and cry while someone was trying to harass her.

Natigil siya sa pagmumuni-muni nang iginaya siya nito papasok sa loob.

"Pasensya medyo magulo pa. Nag-aayos pa rin kasi kami," sabi nito.

Sasagot na sana siya nang biglang lumabas si Wyatt sa CR. Her mouth formed an "o" when he went out with only a towel covering his lower parts.

Hindi malaki ang katawan nito. Walang abs. Walang naglalakihang muscles. He's just simply lean. Wala ring unwanted fats. Compared kayla Jordan o Alec na alaga yata sa gym ang mga katawan.

But she doesn't understand why she can't stop staring.

Nang makita siya nito ay nanlaki pa ang mga mata nito. Which she found very cute. She couldn't help but let out an amused chuckle when he hurriedly went inside the room. Probably to dress up.

Napalingon siya sa Mama ni Wyatt na may nanunuksong ngiti sa mga labi.

"Boto 'ko sa'yo, Azalea," natatawang sabi nito.

And for the first time in her life, pakiramdam niya ay nag-blush siya.

Parang nag-iinit ang pisngi niya.



-----

Safe Haven (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon