24

231 7 3
                                    




Dahan-dahang siyang hinihila nang kamalayan. Hindi pa sana siya handang magmulat ng mga mata nang biglang pumasok sa isipan ang huling mga alaala. Nahihirapan man dahil sobra pa ring antok ang nararamdaman, pinilit niyang imulat ang mga mata.

Ang una niyang napansin nang nagsisimula na siyang magkamalay ay ang hindi niya maigalaw ang katawan. At ngayon ay alam niya na kung bakit. Dahil nakatali siya sa isang upuan at ngayon niya lang din lubusang napansin na may busal siya sa bibig.

Nakakaramdam man nang matinding kaba at takot, pilit niyang pinatatatag ang kalooban. Ang una niyang ginawa ay ipinalibot ang tingin sa paligid. Sinusubukang hanapin kung nando'n din ba si Wyatt pero hindi niya ito nakita. Siya lang mag-isa sa madilim na bodegang 'yon. Buti na lang at hindi siya takot sa dilim.

Sinubukan niyang galawin ang kamay na nakagapos para tantiyahin kung kaya niyang matanggal ang pagkakabuhol no'n, pero mahigpit ang pagkakatali. Pakiramdam niya nga ay namamanhid na ang kamay niya. Paano ba namang hindi kung nakatali sa likuran niya ang kamay?

Gustuhin man niyang sumigaw nang dahil sa matinding frustration pero hindi niya rin magawa dahil sa busal sa bibig. Nang maalala ang cellphone sa bulsa niya ay pinakiramdaman n'ya 'yon. Sa kabila nang madilim na paligid ay inaninag niya ang bulsa ng pantalon n'ya, pero wala na rin 'yun ngayon. Paano pa siya makakahingi ng tulong? Paano niya mabubuksan ang tracking device sa kuwintas n'ya kung hindi siya makaalis sa pagkakagapos?

Be safe, Wyatt. Please, be okay.

Sinubukan niya na lang ulit galawin ang kamay pero nasasaktan lang siya kaya hindi niya na inulit. Nauuhaw na siya, pero wala siyang maramdamang gutom. Sino ba naman ang magugutom sa ganitong sitwasyon? Pero nanunuyo na ang lalamunan niya at pakiramdam niya ay dry na ang lips niya.

Gaano na ba 'ko katagal dito? May nakapansin na kaya na wala kami?

Nang mga sandaling 'yon ay wala siyang ibang hinihiling at pinagdarasal kundi ang mahanap sila kaagad. Hindi niya sigurado kung gaano katagal pa ang kakayanin niya na nakatali lang sa upuan na 'yon. Masakit na ang kamay niya. Uhaw na uhaw na rin siya. Idagdag pa na mainit ang paligid. Pakiramdam niya ay mamamatay siya sa suffocation kapag nagtagal pa siya ro'n.

Hindi na niya tiyak kung segundo, minuto o oras na ba ang lumipas. Pero nang magsimula nang bumigat ulit ang talukap niya, hindi niya na nilabanan ang antok. Mas gugustuhin pa niyang matulog na lang kaysa manatiling gising at matakot sa mga posibilidad na mangyari sa kaniya. Na baka kung ano na ang ginagawa kay Wyatt. Bihira lang siyang matakot, pero sa mga sandaling 'yon, takot na takot na siya. Not just for herself, pero para na rin kay Wyatt.

Find us, please.

Sa huling isiping 'yun, tuluyan niya nang ipinikit ang mga mata.








NARARAMDAMAN niyang unti-unti na ulit siyang nagkakamalay. Kahit ayaw pa niyang gumising, dilat na dilat na agad ang diwa niya nang maalala kung nasaan siya. Mabilis na naglikot ang mga mata niya sa paligid. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya ng sa pagkakataong 'yun ay kasama niya na si Wyatt sa kuwarto.

Nakayukyok ang ulo nito at nakasandal sa pader. Halatang mahimbing pa rin ang tulog nito. Ang kamay at paa nito ay nakatali, pero hindi kagaya niya, iniwan lang ito sa sahig. Nag-aalala siya dahil kagagaling lang nito sa operasyon. At hindi komportable ang posisyon nito ngayon.

Pinilit niyang tawagin ito para gisingin pero tanging ungol lang ang nagagawa niya dahil sa busal sa bibig. Malakas na nagpumiglas siya sa pagkakatali at napamura na lang siya sa isip dahil sa sakit.

Safe Haven (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon