12

201 9 1
                                    




"Sa'n tayo kakain? Sa field ulit o sa labas na ng Uni?" tanong ni Marianne sa kaniya. Nag-aayos na ito ng gamit dahil kakatapos lang ng klase nila.

"KFC na lang." Nilingon niya si Wyatt sa puwesto nito. "Ikaw? Sumama ka na sa'min."

Napakamot ito ng ulo. "May baon na kasi ako eh." At ipinakita pa nito ang pack lunch nito.

Inikutan niya ito ng mata. "Puwede mong kainin 'yan du'n. Sumama ka na. Palagi ka na lang nandito."

Saglit itong tila nag-isip bago napabuntong-hininga. Gusto niyang ngumisi pero pinigilan niya.

"S-Sige."

After nilang ayusin ang mga gamit ay dinaanan muna nila ang kaniya-kaniyang lockers nila. Since magkaka-blockmates naman sila ay halos magkakatabi na rin ang mga lockers nila.

She took off her black maong jacket and put it inside the locker. Mainit na sa labas kaya hindi niya na kailangan 'yon. She was wearing a black spaghetti strap at black skinny jeans. Suot niya rin ang black converse na regalo sa kaniya ni Carson nu'ng 18th birthday niya last year. Paborito niya ang sapatos na 'yun dahil pinag-ipunan talaga ng kapatid niya ang converse na 'yun.

"Ikaw na ang sexy," sabi ni Marianne sa kaniya.

Bahagya siyang natawa. Yes, her body was indeed developed in all the right places. Isabay pa na mahilig siya sa mga physical activities, halimbawa nga ay ang mga sports like swimming, karate and taekwondo. Every morning din ay hindi niya nakakalimutang mag-sit-ups and push-ups. At least four times a week ay pinipilit niyang mag-jogging ot threadmill sa bahay nila kapag wala siya sa mood lumabas.

Her muscles are toned. She have abs. Hindi naman 'yung puntong bumubukol ang mga muscles niya sa katawan. She's not vain, pero alam niyang maganda ang katawan niya. It's not because she's fit, kundi dahil pinalaki siyang komportable sa sarili at katawan niya. She has no insecurity issues.

"Well, maliit na bagay," maarte kunwaring sagot niya rito. She even flipped her hair for the sake of it. Sabay pa silang nagtawanan ni Marianne dahil sa ginawa niya.

"Sana all fit ang katawan," biro pa nito.

Natawa na lang siya sa sinabi nito. Sabay silang lumapit kay Wyatt dahil may inaayos pa ito sa loob ng locker nito. Her brows rose up when she saw books and sketchpads sa loob ng lockers ni Wyatt. Dahil nga wala itong laptop, lahat ng bagay ay mano-mano nitong ginagawa.

"Tara na?" anyaya niya rito.

Saglit itong napalingon sa kaniya pero mabilis din namang nag-iwas ng paningin. Nakita pa niya ang tila pamumula ng tenga nito.

Ilang beses itong tumikhim na parang may bara sa lalamunan bago nagsalita. "O-Okay na. Tara na."







HINDI pa sila tuluyang nakakaalis nang makita ang grupo nila Jordan. Huminga siya nang malalim dahil nagdidilim na ang paningin niya wala pa man din itong ginagawa. After the incident at the bar and about Wyatt's scholarship, hindi na sila ulit nagpang-abot ng mga ito. Excited pa man din siyang pahalikin ito sa sahig.

Hindi niya naramdaman na nakakuyom na pala ang kamay niya kung 'di pa pasimpleng hinawakan 'yun ni Wyatt at pinisil. As if silenly telling her to calm the fuck down.

Pigil lang ang hininga nila nang bahagyang makalapit na ito sa kanila. Pero dire-diretso lang ang lakad ng mga ito. Sure, the annoying smirks and sneaky glances were thrown at them, but at least hindi na nagsimula ng gulo ang mga ito.

Huminto lang ang mga ito hindi banda sa kalayuan sa locker ni Wyatt. Jordan took something out of his locker.

"Tara na," pagyaya ni Marianne sa kanila. Nararamdaman na rin kasi nito ang tensiyon.

"Ano'ng tawag mo sa babaeng pumapatol sa lalaki kahit may asawa na?" narinig nilang tanong ni Jordan sa isang kasama nito.

Nagtawanan ang tatlo nitong kaibigan. "Kabit," sagot ng isa.

"Eh, ano'ng tawag sa babaeng nagpabuntis pa sa lalaking pamilyado na?" tanong pa ulit nito.

Mas lumakas ang tawanan ng grupo ng mga ito. Umikot lang ang mga mata niya. Whatever they are talking about doesn't concern them. Hihilahin niya na sana palayo si Wyatt pero nagulat siya nang makitang halos magtagis na ang bagang nito. Malalim na rin ang paghinga nito na tila nagpipigil ng galit.

"Ano pa ba? Malandi, pokpok, pakawala. Home-wrecker, puta. Sabagay, puta rin ang gano'ng klase ng babae," sagot naman ng isa pang kaibigan ni Jordan.

Nakita niya ang pagngisi ni Jordan sa mga kaibigan nito. "Eh, ano'ng dapat gawin sa ganu'ng klase ng babae?"

"Dapat bastusin. Hindi nirerespeto ang mga ganu'ng tao. Kadiri amputa."

Nagtawanan pa nang malakas ang mga ito.

Nagkatinginan sila ni Marianne nang hindi niya mahila palayo si Wyatt. Tila na-estatwa na lang ito sa puwesto nito.

"Eh, ano'ng tawag sa anak ng gano'ng klaseng babae?" tanong pa ulit ni Jordan.

"Anak sa labas, dude. Unwanted child. Bastardo. Pagkakamali. Basura," tumatawang sagot nu'ng isa pa.

Tumawa nang malakas si Jordan bago diretsong tiningnan si Wyatt sa mga mata at ngumisi. "Eh, ano'ng tawag sa nanay ng bastardong anak?" nakangising tanong nito sa mga kasama habang ang tingin ay na kay Wyatt pa rin.

Hinawakan niya ang kamay ni Wyatt at pinisil 'yun. Pinipilit din niya itong hilahin palayo pero hindi ito nagpapatangay. Diretso rin ang tingin nito kay Jordan. This is actually the first time she saw Wyatt like this.

"Ano?" tanong ng kasama ni Jordan pabalik dito. Sinasakyan ang anumang isasagot nito.

"Eh 'di putang ina," nakatawang sagot ni Jordan.

Ganu'n na lang ang gulat niya nang biglang sinugod ni Wyatt si Jordan. She tried pulling Wyatt away pero hindi ito nagpapa-awat. Marianne was screaming the whole fight.

Halos mapangiwi siya ng ilang beses masuntok ni Jordan si Wyatt. He was not a physical person. Hindi nito kaya si Jordan, kahit pa may kasamang galit ang bawat suntok nito. Malaki ang katawan ni Jordan kumpara rito. Nakakatama naman ng suntok si Wyatt pero hindi rin 'yun ganu'ng kalakas.

Naawat lang ang away nang mismong security guards at isang professor na ang pumagitna sa dalawa.

Mabilis niyang dinaluhan si Wyatt. Putok ang labi nito. May hiwa rin ang kilay nito. May sugat din sa gilid ng kanang mata at medyo namumula na ang pisngi dahil sa suntok na nasalo ng mukha nito. Samantalang si Jordan ay may sugat lang sa labi at namumula ang noo. Baka magkabukol 'yon.

"Can anybody tell me what happened here?!" galit na sabi ng professor.

Tinapik ni Jordan ang kamay ng kaibigan nito nang subukan itong alalayang tumayo.

"Bigla-bigla na lang nanunugod 'yan, sir! Nagkukuwentuhan lang kami ng mga kaibigan ko pero bigla na lang akong sinugod ng gagong 'yan!" singhal nito at masama ang tingin na pinukol kay Wyatt.

Hinarap sila ng professor. Nagsalit-salit ang tingin sa kanilang dalawa. Ngayon kasi ay bahagya niyang hinahagod ang likod ni Wyatt para pakalmahin ito. Mukha kasing kahit nasa harap nila ang professor ay susugurin pa rin nito si Jordan.

"Is that true?" tanong ng professor sa kanilang dalawa.

Hindi siya makaimik. Technically speaking, totoo ang sinabi ni Jordan. Hindi nga rin niya maintindihan kung bakit sinugod ito bigla ni Wyatt. Hindi niya alam kung paano ito tutungang magpaliwanag dahil hindi niya alam ang tumatakbo sa utak ni Wyatt ng mga sandaling 'yon.

"May CCTV naman, sir. Para makita n'yong nananahimik kami ng mga kaibigan ko. Si Wyatt 'tong sumugod na lang bigla. Palibhasa hindi pinalaki nang mabuti," sabad ni Jordan.

Napasinghal siya sa sinabi nito. "Gago ka ba?" tanong niya rito. "Pilayin na kaya kita?"

Sa pagkakataong 'yun si Wyatt na ang umawat sa kaniya. Bagsak na ang balikat nito at malalim na ang paghinga. He gave her a small smile while shaking his head.

"We'll investigate this." Nagsalit-salit ang tingin nito sa kanilang lahat. "This may end in suspension, or worse, expulsion."



-----

Safe Haven (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon