KABANATA 1

867 32 0
                                    

-WELCOME TO CHAPTER 1! HAPPY READING EVERYONE!-
NOTE: This story is not yet edited, it may have a typo and grammatical errors, or misspelled words. So bear with me, I'll edit this right after I finish the whole Hacienda Sevida Series.
-----------------------------

"Tanga ka ba?! I said postponed it!" halos maputol na ang ugat ni Earth sa kakasigaw niya sa secretary niya. Sinabihan niya itong ipakansela ang meeting ngunit hindi nito sinunod ang utos ni Earth kaya naman...

"You're fired" sabi ni Earth nang makahinga na siya ng maluwang at nakatakas sa galit. Namou ang luha sa mga mata ng babae dahil sa narinig mula sa boss niya.

"P-pero—"

"I said you're fired!!" sigaw na naman ni Earth. Hindi na naka-imik pa ang sekretarya niya at lumabas na, nagulat naman siya nang biglang pumasok ang kapatid niya sa opisina niya.

"Oh. Chill, lagi ka kasing nagkakape kaya magugulatin ka" nakangising sabi ng kapatid niya.

"Fuck you,Sevida" bulalas ni Earth. Natawa naman ang kapatid.

"Dalawa tayong Sevida sa opisinang ito, umayos ka" natatawang sabi ng kapatid niya, tiningnan niya naman ito ng masama.

"I mean, Fuck you Erwan" inis na sabi ni Earth at tumayo mula sa pagkaka-upo. "Narito ka lang ba para mambuwesit? Wag na please lang, bwesit na bwesit na ako ngayong araw na ito" mahinahong paliwanag niya sa kapatid, napatawa naman si Erwan saka naupo sa sofa ni Earth sa opisina niya.

"Nandito lang naman ako para sabihing pupunta tayo ngayon sa Hacienda, pinatawag tayo ni papá" nakangiting sabi ni Erwan kay Earth.

Napahilamos si Earth sa mukha niya at inis na pinulot ang cellphone saka tinawagan ang yaya ng anak niya.

"Hello, mag-impake kayo, kukunin ko kayo diyan an hour from now" sabi nito sa kabilang linya saka pinatay ang tawag.

"You bastard, wait for me here. Tawagan mo na din si Eward" utos ni Earth sa kapatid. Agad naman kumunot ang noo ni Erwan.

"Bakit ko naman tatawagan ang ulupong na yun?" nakakunot ang noong tanong ni Erwan kay Earth. Humarap naman si Earth sa kaniya sabay kuha sa coat na nakalapag sa sofa .

"Bobo ka ba? Malamang dahil sabay tayo pupunta dun!" Bulyaw niya sa kapatid. Umingos naman si Erwan.

"No way! Marami naman tayo magkakapatid bakit siya ang tatawagin ko?!" inis na tanong ni Erwan kay Earth.

"Tangina ka sobrang traffic mamaya pagkatapos ko sa meeting! Gagamitin natin ang helicopter niya, gusto mo ma traffic?" pananakot ni Earth. Bumuntong hininga naman si Erwan.

"Why do you hate him so much?" kunot-noong tanong ni Earth sa kapatid.

"He stole my girlfriend!" sigaw ni Erwan.

"You mean your Ferrari?" tanong ni Earth sabay sout sa coat. Tumango naman si Erwan.

"Bobo ka kasi, bakit mo pinampusta" pang-iinis niya dito.

"He cheated! Halata naman dun sa Bingo na ako ang nauna!" sigaw ni Erwan.

Lahat sila nakasanayan ang paglalaro ng binggo. Yung binggong 1-10 ang bilang at paramihan ng alam ng brand ng shampoo at kung ano-ano pa.

"Whatever you say,bastard" sabi ni Earth at tuloyang umalis sa opisina niya at pumanhik sa conference room.

Nang makarating siya sa conference room ay agad na silang nagsimula, walang sinayang na oras sa pagdi-discuss hanggang sa matapos ang meeting at nag deal na.

Open the Gates of my Heart Again (Hacienda Sevida Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon